*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*Alas singko ng Umaga
Wala pa din sina Rohan at Vince ng mga sandaling iyon, hindi pa din nakakapanganak si Grace pero may mga lumalabas na sa katawan nito
"Anumang oras ay manganganak na siya," ani ni Lola Sofia," Pero wala pa din si Andeng,"
"Susunduin ko na siya," ani niya habang inaayos ang sarili, nagdala din ng mga panlaban para kung sakali man na mapalaban siya ay di siya dehado
"Hintayin mo nalang sina Rohan, anak," awat ni Nanay Rita sa kanya," Parating na din ang mga iyon," ani pa ulet nito sa kanya
"Kaya ko na po, Nanay," sagot niya sabay ngiti ng malungkot sa mga kaharap
"Sige mag iingat ka," ani ng dalawa sa kanya, tumango nalang siya bago umalis sa bahay
Tulog pa ang kambal kaya mas mabilis siyang nakaalis, dahil kung gising na ang mga iyon ay di siya papayagan na umalis ng mag isa
Dahil alam ng lahat na delikado na lalo pa ngayon na nagsanib na ang mag ama
Tahimik na tinahak ni Akira ang daan papunta sa kabundukan kung saan nakatira ang matanda, hindi siya mapakali at kinakabahan siya ng mga oras na iyon
Hindi niya alam ang madadatnan niya sa bahay ng matanda kaya mas lalo lang niyang binilisan ang paglalakad na halos tumakbo na siya ng makapasok na sa kagubatan
Pasikat na ang araw ng mga sandaling iyon kaya nagkaroon na ng liwanag sa loob ng kagubatan
Tinakbo na niya ang pataas na daanan paakyat sa tinitirahan ng matanda, halos hingalin siya habang ginagawa niya ang pagmamadali ng mga oras na iyon
Malakas na ang kabog ng kanyang dibdib habang papalapit na siya sa patag na bahagi ng kagubatan, ilang metro nalang ang lalakarin niya mula sa kapatagan ng kagubatan bago marating ang bahay ng matanda
Samantala, nakauwi na ang magkapatid mula sa baryo ng kanilang lahi, gising na ang lahat at nag aalmusal na, napansin ni Rohan na wala si Akira
"Nasaan si Akira?," nagtatakang tanong niya
"Umalis," sagot ni Nanay Rita," Sinundo si Lola Andeng kasi nag aalala na siya,"
Nagkatinginan silang dalawa ni Vince bago napayuko kasabay ng pagkaupo
Nagtaka din ang lahat ng nandoon dahil sa kanilang reaksiyon at kalungkutan
"Anong mayroon, Mahal?," takang tanong ni Megan sa kanyang asawa
"Pa?," kuro naman ng kambal sa kanya
"Patay na si Lola Andeng," kuro nilang dalawa, mahina man ang pagkakasabi nila pero para iyong bomba sa pandinig ng lahat
"Ano?," gulat na tanong ni Kate," Paano at kelan?," sunod sunod pa nitong tanong
"Kanina," sagot ni Rohan," Bago maghating gabi, pinatay siya ng ama ni Mark ng hindi nito malaman kung nasaan ang kakambal ng anak,"
"At nakipag isa na ang Hari ng kadiliman kay Mark," dagdag pa ni Vince," Mas malakas na ng sampung ulet ngayon si Mark, dahil siya na ang bagong hari ng kadiliman, lahat ng elemento at mga aswang na nasasakupan nito dati malamang aanib na ngayon sa bagong Hari,"
"Wala na ba tayong magagawa?," tanong ng nalulungkot na si Vanessa
"Yung kambal nalang ni Mark ang pag asa natin," ani ni Rohan, maya maya pa ay napuno ng katahimikan ang buong kapaligiran, nag iiyakan na ang ilan sa kanila ng malamang patay na ang matandang albularyo
STAI LEGGENDO
ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )
HorrorPagsapit ng dilim, ano ang kanyang tinatagong sindak at katatakutan? Anong uri ng mga nilalang ang nagkukubli pagsapit ng gabi? Kung saan sa umaga ay nagtatago at natutulog sila, pag lubog ng haring araw naman sila gigising at maghahanap ng pagkain ...