Chapter 65

1K 61 10
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Maaga pa lang ay nakaabang na sa lagusan ang anim kasama ang Prinsipe at ang tatlong kawal nito para alalayan ang anim na papasok sa lagusan

"Hanggang sa muling pagkikita kamahalan," ani ni Asul sabay yuko sa harapan ni Rohan kasama ang mga kawal niya,"Asahan mong darating kami sa araw na iyon,"

"Salamat, Prinsipe Asul," niyakap niya iyon habang nagtatawanan silang lahat

Maya maya pa ay sumikat na ang araw, kasabay niyon ay isang liwanag na humahati sa katawan ng balete

"Bumubukas na ang lagusan," ani ni Prinsipe Asul ng makita ang nakakasilaw na liwanag sa katawan ng puno kung saan iyon lang ang tanging daan na nagdudugtong sa dalawang magkaibang mundo

"Salamat, Mahal na Prinsipe," ani ng lima na nakangiti sa duwende

"Mag iingat kayo," tugon nito"Sige na pumasok na kayo sa lagusan,"

"Paalam," ani ng anim sabay na pumasok sa lagusan

Nakangiti lang ang Prinsipe ng mga duwende hababg pinagmamasdan ang anim na unti unting nawawala sa kanyang paningin

Nang mawala na ang nakakasilaw na liwanag ay saka lang sioa umalis doon para bumalik s akanilang kaharian

Alam niya na ligtas na makakauwi ang anim sa pamilya ng mga ito

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Abala naman ang mga taga baryo sa paglilinis ng mga kalat na dugo at mga bangkay ng kanilang mga mahal sa buhay ng umagang iyon

Halos hindi nila natapos ang mga gawain nila kahapon dahil s atakot na baka sumalakay ulet ang mga aswang kinagabihan kaya maaga silang pumasok sa loob ng kabahayan

Nakahukay na sila ng isang malaking hukay kung saan nila pagsasamahin ang lahat ng naging biktima ng mga aswang at ilang hayop

May pari din na magbabasbas sa mga iyon para sa ikapapayapa ng mga kaluluwa ng mga iyo

Iyon naman ang tagpong naabutan ng anim ng makalabas sila sa punong balete na nasa paanan ng kabundukan

Walang nakapansin sa kanila kaya hindi na sila nagpahalata

Nanlumo sila sa kanilang mga nakita, nakakadurog ng puso ang mga iyak ng mga inang nawalan ng anak at mga kamag anak

Dahil sa nakita nila ay agad silang tumakbo papauwi sa kanilang bahay para malaman ang kalagayan ng mga pamilya nila

Nang makarating doon ay halos mapaluhod sila sa kanilang nakita

Sira ang pintuan, mga bintana, bubungan at dingding sanhi ng paglusob ng mga aswang sa bahay nila

Agad silang pumasok sa loob para lang mas lalong magimbal sa makita

Walang katao tao doon, halos sira ang lahat ng kwarto nila, mga gamit nila ay nagkalat na tila dinaanan ng isang malaking buhawai

"Nanay Rita! Tatay Ruben!," sigaw ni Rohan habang nasa sala sila

"Megan!/Mama!," kuro naman ni Vince at Ace habang nag iikot sa buong paligid ng bahay

"Kate!," sigaw na tawag naman ni Anthony sa kanyang asawa

"Akira! / Mama!!," kuro ng kambal at ni Rohan habang napapaiyak na sila sa iniisip na maaring napatay na ang mga ito ng mga aswang

"Nasaan na sila?," tanong ng mangiyak ngiyak na si Anthony

"SA BASEMENT!!," kurong bulalas nina Rohan at Vince kaya sabay sabay silang napatakbong lahat pababa sa ikalawang palapag

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now