Chapter 29

1.2K 54 5
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*


Someone's POV

"Kailangan na natin makahanap ng mga lalaking mapapangasawa natin at yung maaanakan agad tayo ng babae," sabi ko sa kanila," Hindi pwedeng matagal na wala tayong lalaking na makakasiping dahil mamamatay tayong lahat,"

"May alam ako," ani ni Arah," Si Bkaze at ang mga kasama niya, mga bata sila at sariwa," nakangisi niyang sabi sa akin bago dinilaan ang mga mapupulang labi

"Isama mo ako sa kanya," ani ng katabi ko, ang aking anak na pang ilan na ba?

Hindi ko na mabilang kung pang ilan na siya sa mga naging anak ko sa dami ng mga lalaking napangasawa namin, halos di ko na mabilang, ganoon din naman ang mga kasamahan ko

"Sige isama mo siya, Arah," sabi ko na ikinangisi nilang dalawa, magbest friend nga sila pareho ng likaw ng bituka

"Nakahanap na din kami ng mapapangasawa at mamayang gabi ay dadalhin na namin sila dito," sabi ng isa sa mga kalahi ko

"Magaling," sabi ko na ikinangiti nila

"Makipagsiping agad kayo para mabuntis kayo," utos ko sa kanila habang tumatango tango lang sila sa akin

Kailangan na namin magparami para sa paglipol sa mga taga baryo, isa pa ang mga salot na mga aswang, mga sagabal sila sa plano namin, kailan ba sila mawawa sa mundong ito?

Ang mga Anduduno, mga Ikki at yung babaing may mga halimaw na alagad, nag uumpisa ng maghasik ng lagim sa baryo

Kami nalang ang hindi pa, dahil kailangan na mabuntis muna kami bago namin sila mapatay

Mabilis lang malaman kung nabuntis agad dahil sa pakiramdam namin ay hinang hina kami at pagod na pagod, doon namin malalaman na buntis na kami, hihintayin nalang namin na lumaki ang aming tiyan para malaman kung babae ba o lalake ang magiging anak namin

Kung lalake ay ipapalaglag agad iyon, at kapag babae ay aalagaan hanggang sa maisilang ng maganda at malusog

"Sige na," taboy ko sa kanila," Gawin na ninyo ang mga dapat niyong gawin,"

"Opo," yukong sabay sabay nilang sagot sa akin bago sila nagsipag alisan sa aking harapan

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

"Hi, Blaze," bati ni Arah ng pumunta ang mga ito sa bahay nila," Kaibigan ko nga pala si Mikka,"

"Hi," ganting bati ni Blaze sabay ngiti

"Hello, Blaze," maarteng pahayag nito sa kanya na lihim niyang ikinangiwi

Dahil sa nakikita nitong itsura kaya napapangiwi siya ng lihim, maganda ito sa mga normal na tao, pero sa mga kagaya nila ay nakikita nila ang tunay nitong itsura at edad

Mas matanda pa itong tignan kina Lola Andeng at Lola Sofia, pero hindi niya pinapahalata na alam niya ang mga lihim ng mga ito

"Blaze," tawag ni Rohan sa anak at nilapitan nito ang binata," Papasukin mo ang mga kaibigan mo,"

"Sino siya?," tanong ni Mikka sabay pa cute na muntik ng ikasuka ni Shane na nasa tabi ng kakambal

"Si Tito Rohan,"pakilala ni Shane, hindi nila tinatawag na Papa iyon kapag may ibang tao dahil baka magtaka ang mga makakarinig

Halos hindi nalalayo ang edad nila kina Rohan kaya tito ang pakilala nila

"Hi, ako si Mikka," ani nito sabay lahad ng kamay, ngumiti lang si Rohan at nakipag kamay din sa kaharap," Ang pogi mo po pala,"

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt