Chapter 38

1.1K 54 3
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Third Person's POV

Kinabukasan habang kumakain ng almusal ang lahat ay dumating sina Rex at Aime para bisitahin at kamustahin ang anak at apo nila

Panay pa din ang tingin ni Aime kay Akira na kapag nahuhuli siya ay ngingitian lang niya bago iiwasan, alam ni Akira na inaakala pa din nito na itinatanggi niya na anak sila nito

Bukas ng gabi ulet sila magkikita ni Gwen sa kweba at kailangan niyang isama ang dalawa para makilala nila si Gwen at makipagkamustahan sa dating kaibigan nila

Pasalamat din si Akira at doon matutulog ang mag asawa kaya pagpaplanuhan niya kung paano niya maisasama ang mag asawa at si Megan

"Kamusta po kayo?," bati at lapit ni Akira sa tatlo habang nag uusap, kalong ni Rex ang bata samantalang nag uusap naman ang mag ina

"Ayos lang, iha," nakangiting sagot ni Aime sa kanya," Ikaw kamusta na?,"

"Ayos naman po," sagot niya habang tinititigan ang tatlo," Maaari po ba kayong sumama sa akin bukas?," tanong niya sa tatlo

"Kaming tatlo ba?," tanong ni Megan sa kanya, na ikinatango niya," Saan at anong oras?,"

"Basta malalaman niyo kung saan, di ko naman kayo ipapahamak, may gusto lang kumausap sa inyo, mga alas onse aalis na po tayo,"

"Ng gabi?," tanong ni Megan na ikinatango nalang niya para di na magtanong ito," Sige,"

"Oo. Salamat," ani niya bago nakipagkwentuhan sa kanikang tatlo na ikinatuwa naman ni Aime, malapit kasi ang loob nito kay Akira kaya di siya nagdadalawang isip na anak niya iyon

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Bilog ang buwan ng gabing iyon

Halos hindi magtigil sa kakaiyak ang anak ni Grace, hindi nila malaman ang nangyayari sa bata, pinalitan na nila iyon ng sapin at pinadede na din niya pero hindi pa din magtigil sa kakaiyak na halos mamaos na iyon

Kinarga at isinayawsayaw na din niya para makatulog at hinaplusan na din ng langis ang buong katawan ay iiyak pa din kapag tangka ng ibababa niya ito sa higaan nilang mag asawa

"Ano bang nangyayari sa anak niyo?," nag aalalang tanong ni Nanay Rita kasunod si Lola Sofia na nagising sa kakaiyak ng sanggol na halos sampung araw pa lang mula ng maipanganak

"Hindi po namin alam, Nay, Lola," kuro nilang mag asawa na salitan na sa pagkaraga sa anak nila

"Baka basa ang sapin o gutom o kaya ay kinakabagan yan?," patanong ng dalawa sa kanila na umiling lang bilang sagot

"Pinadede na po ni Grace," sagot ni Jade sa dalawa," Kapapalit lang po ng sapin at hinaplusan na din po ng langis sa tiyan at likuran,"

Habang abala sa pag uusap ang mga iyon ay nakikiramdam naman sa paligid sina Rohan, Vince, Anthony at ang magkamabal habang nagpapalitan ng mga tinginan

Alam nila na may mga aswang na umaali aligid sa kanilang bahay at sa buong baryo kaya naghanda sila sa maaaring mangyari

Pinuntahan nila ang kwarto nila Grace para magbantay doon, naabutan naman nila na andoon sina Nanay Rita at ang Lola Sofia nila

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now