Pasensiya na po kung natagalan ako mag update😊😊👍👍Nawala po kasi itong chapter na ito kaya inulit ko pa po😢😢😢😢
Mahirap po kasi isipin lalo na at nasa dulong chapter na po ako😔😔😔😔
Kaya sana po ay nakapaghintay kayo at nakapagtiis✌✌✌✌
Salamat po sa inyong pangungulit na mag update na po ako😉😉😉😉
I love you all❤❤❤
*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*
Ikalimang araw
Nagkalat ang mga bangkay ng mga taong nabiktima ng mga demonyo at aswang sa Lungsod
Mga katawan na halos hindi na makilala dahil sa pagkaka kain ng mga iyon
Mga parte ng katawan na nahiwalay sa may ari, mga lamang loob na nahuhulog mula sa mga aswang at demonyo na nagliliparan habang kinakain ang mga iyon
May ilan ding mga aswang at demonyo na nasa iisang gilid at may nilalantakang katawan ng mga tao
Halos mangamoy dugo na ang buong kalaligiran ng mga sandaling iyon
Wala ng magawa ang ilan kundi ang magtago at magdasal ng mga sandaling iyon dahil sa mga nangyayari sa kapaligiran, ilang araw na ang nakalilipas
May mga nkapagtago din sa loob ng simbahan, kasama anh ilang mha Pari
Doon ay nagdarasal sila ng taimtim sa ating Panginoon para sa kaligtasan ng lahat at oara makahingi ng gabay
May mga nagro rosaryo sa kani kanilang upuan
May mga nagdarasal habang nakaluhod na papunta sa altar
May ilan ding nagbabasa ng bibliya na binigay ng ikang Pari na naandoon
Kung minsan ay nagmi Misa ang Pari, para sa mas lalong tumatag ang mga Pananampalataya ng mga taong dati ay hindi makikita sa loob ng simbahan dahil laging abala sa kung anu anong bagay ang kanilang pinagkakaabalahan
Ang ilan ay abala sa kanilang trabaho
Ang ilan ay abala sa kanilang mga gawain at kung anu ano pa
Pero ngayon ay natuto ng manalangin dahil sa mga nangyayari sa labas ng kanilang kabahayan
Patuloy pa din ang pagdagsa ng mga kapulisan sa Lungsod, dahil papadami na ng papadami ang mga aswang na nagsisipagdatingan ng sumapit ang gabi
Baril lang sila ng baril sa mga aswang na paparating, dahil alam nila kung saan tutungo ang mga iyon
Patungo ang mga aswang sa pusod ng Lungsod kung saan ay mas marami ang mga taong naninirahan
At higit sa lahat, mga taong mahilig lumabas at mag party hanggang sa sumapit ang madaling araw o umaga
Kaya wala na silang pakialam kung maubos ang mga balang dala nila
Ang mahalaga ay makatulong sila at makapatay ng mga salot na naglipana
Samantala
Tawa naman ng tawa si Mark, kung saan ay napapanood noya ang mga kaganapan ng mga sandaling iyon
Dumadagundong, yumayanig at hos mapuno ng kanyang malalakas na tawa ang kanilang kinaroroonan
"Sige magpakabusog kayo mga alagad ko, bwahahahaha!!," ani niya sabay tawa ng makitang nagkakagulo na sa Lungsod ng mga sandaling iyon
Nasa kanyang likuran ang grupo nila Melanie, ang mga impakta
Kasunod ang mga taong tiktik na noon ay binilihan ng baboy nila Rohan
Ang mga aswang na na may lahing baboy, mga halimaw na tila kagaya ng sa oso na nasa tiyan ang mga mata at malalaking bunganga
May mga nuno din doon na nakikinig at sumapi kay Mark para makapaghiganti kay Prinsipe Asul
At ang pamilya nina Lindey, ang ama nito na siyang pinuno ng mga mababagsik na lahing aswang
"Kailan po tayo lulusob, Aming Hari?," tanong ni Melanie sa kanya
"Bukas," tugon niya,"Ikaanim na araw hanggang sa madaling araw ng ikapitong kadiliman, at oagsikat ng araw ay ubos na ang mga taga baryo at ang mga taong lobo," may kasiguraduhang pahayag niya sa mga alagad niya
"Paano ang lalaking nakatakas?," tanong ng ama ni Lindey,"Isa siyang maalamat na puting lobo na may siyam na buntot. Malalakas ang tulad nila kasama pa ang kanyang tribu,"
"Makakaya natin sila," sagot niya sa mga ito na nakatingin pa din sa pinapanood na kaguluhan sa Lungsod
"Ang kakambal mo," ani ng Nuno na lumapit sa kanya," Matatalo tayo kapag nagpakita siya,"
"Wala na ang kakambal ko," nakangisi niyang turan," At kung buhay siya sana noong nakaraan pa siya nagpakita at tumulong sa mga tao,"
"Sigurado na ba yan?," tanong naman ng taong tiktik," Baka tayo ang matalo at mamatay,"
"Sigurado ako," sabay tawa niya na ikinangisi nalang ng lahat
"Ang mga anghel?," biglang tanong ni Melanie,"Malamang ay tutulong sila,"
"Ako na ang bahala," nakangisi naman niyang turan
"At si Gwen, paano siya? Malamang sa mga dati niyong kaibigan siya kakampi at sa kapamilya niya,"
"Melanie, Melanie," seryosong turan ni Mark na ikinanlisik ng mga mata nito
Napayuko nalanh si Melanir at napaatras ng nakita ang anyo ng kanilang Hari na nagbabaga ang mga mata at naglabasan ang mga pangil
"Katapusan na din ni Gwen," seryoso niyang pahayag,"Wala ng bisa ang itim na mutya na ibinigay ko sa kanya noon dahil hindi wala ng nangyayari s aaming dalawa, kaya humina na ang depensa noon para protektahan siya,"
Napatango nalang dila sa tinuran niya bago ulet niya ibinalik ang tingin sa pinapanood niya sa nagbabagang apoy na tila isang telebisyon
Kumukulo iyon ng pagka kulong kulong, at sinuman ang mahulog doon ay agad na maglalaho dahil sa sobrang init
"Kaya wala na akong pakialam kung sa kanila siya umanib," napangisi siya,"Matagal na din naman siyang patay kaya dapat lang na magpahinga na siya ngayon, ahahahaha!," malakas niyang tawa sabay alis sa harapan ng mga alagad niya
Patuloy lang sa panonood ang kanyang mga alagad at bakas sa mukha nila ang pananabik na makapaghasik ng lagim at ubusin ang mga taga baryo ng mga sandaling iyon
Wala naman kaalam alam ang lahat na umpisa at patikim pa lang ang kanilang mga nararanasan ng sandaling iyon
Hindi pa talaga nag uumpisa ang totoong labanan na mismong si Mark ang haharap sa kanila lalo na kay Rohan
Gusto niyang mamatay ito s amismong mga kamay niya para masakop na niya pati ang mga kalahi nitong pinoprotektahan nito at maging ang kabilang daigdig
Patuloy lang sila sa paglaban at pagpuksa sa mga tikbalang at tiyanak na padami na ng padami
Kakayanin kaya nila tapusin iyin at labanan?
Tama lang ba talaga na isakripisyo ni Akira ang sarili niyang buhay para sa kapakanan ng lahat?
Paano kung mali pala ang gagawin niya?
Paano kung sa pagkamatay niya at ay maiiwan ang demonyo na buhay na buhay at maghahasik ulit ng lagim?
Paano kung isa lang pala talaga siyang sugo at hindi kakambal ni Mark?
Paano na ang mga kaibigan niya?
Ang anak niyang kambal?
At higit sa lahat si Rohan?
Na magluluksa sa kanyang pagkamatay na walang nangyaring anuman
Maibabalik pa ba ang nawala niyang buhay kung mali pala ang lahat?
*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*
By: Akiralei28
YOU ARE READING
ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )
HorrorPagsapit ng dilim, ano ang kanyang tinatagong sindak at katatakutan? Anong uri ng mga nilalang ang nagkukubli pagsapit ng gabi? Kung saan sa umaga ay nagtatago at natutulog sila, pag lubog ng haring araw naman sila gigising at maghahanap ng pagkain ...