Chapter 26

1.2K 54 2
                                    

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Megan's POVa

"Pasensya na at wala tayong ili litson," nakangiting sabi ni Vince sa akin," Aswang sana ililitson natin kung di napatay, ahahahaha,"

Napailing na lang ako sa kanya habang inaayos ang mahabang lamesa para sa mga pagkain na ilalagay doon, mamaya kaunti ay magdadatingan na ang mga kapitbahay namin para maki birthday sa anak namin na si Angel, na pitong taon na ngayon, nakita kong inaayos na din nila Anthony at Rohan ang mga palaro para sa mga bata, tulad ng pabitin, pagbasag ng palayok habang naka piring, stop dance at kung anu ano pa

Syempre may premyo ang mga iyon, na si Akira ang naghanda, pansin ko din na lagi siyang seryoso simula ng gabing umuwi sila ni Grace galing sa pagpapacheck up

Mamaya din ay daring sina Mama at Papa para makipag party sa apo nila, nagluluto naman sina Nanay Rita at Tatay Ruben ng mga pagkain oara sa lahat, pulutan at panghapunan

Naka ayos na ang mga lamesa't upuan ng mga bata, mga lobo, party hat, at mga plato nila sa upuan na natatakpan ng plastic pata iwas dumi

Sa kabilang banda ay isan lamesa na may mga regalo ng nakalagay, galing sa mga kaibigan ko, nakita kung nag aasaran naman ang mga binata namin at kadalagahan

Sina Blaze, Ace, Lance at si Miguel ang anak na panganay nina Kate at Anthony,

Sa bandang kanan naman ay sina Shane at ibang dalaga na kapitbahay namin, kasama ang dose anyos na anak at bunso nila Kate na si Joice

Masaya ang mga iyon habang naghuhuntahan at nagbibiruan, sana ganito nalang kami oalagi, walang gulo at wala ang mga aswang na kinatatakutan pagsapit ng dilim

"Layo ng tingjn ah," biro sa akin ni Vanessa, buntis na din ito at nasa ikalawang buwan na

"Halata ba?," nakangiti kong tanong

"Hindi naman gaani," sagot niya sa akin habang inaayos ang sapin sa mga lamesa," Daming alak sa kusina, gusto mo?," biro niya sa akin

"Kung di ka pang buntis, malamang kanina pa kita niyaya," sagot ko sabay tawa sa kanya

"Oo nga eh," ani niya sa akin na tila nanghihinayang, kaya nahampas ko siya ng mahina sa braso dahil doon, na ikinatawa nalang namin pareho

"Meg," ani ni Kate sabay lapit sa aming dalawang," May naikwento na ba sa inyo si Akira?," tanong niya sa amin

Nagkatinginan ang lang kami ni Vanessa sabay kibit ng balikat, dahil hindi pa naman kami nag kakausap ni Akira

"Wala bakit?," takang tanong ko

"Naalala niyo ba noong gabing umuwi sila ni Grace?," tanong niya na ikinatango lang namin

"Oo, bakit?," takang tanong ni Vanessa

"May mga halimaw silang nakasalubong, yung mga mapupula ang mga mata?,"

"Oo, nakita ko na isang beses ang mga iyon, nagtatago sila sa dilim," sagot ko," Anong meron sa mga halimaw na iyon?,"

"Takot sila sa liwanag, nasusunog sila at namamatay," paliwanag niya sa amin," Pero hindi iyon ang sasabihin ko. Nakita ni Akira si Gwen,"

"Ha?!," gulat naming tanong ni Vanessa

"Oo," sabi agad ni Kate," Kasama ng mga halimaw na iyon, kagaya ng sinabi ni Art, totoong buhay si Gwen at kakampi na siya ni Mark,"

Natahimik ako sa sinabi sa amin ni Kate, kung totoo ngang buhay pa siya at kakampi ni Mark, ay mas malaks na ang pwersa nilang dalawa ngayon

Kailangan namin sila paghandaan, kaya pala lagi malalaim ang iniisip ni Akira, dahil siguro sa pagkikita nila ni Gwen

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Third Person's POV

Past 4pm

Dumating na ang mga bisita nila Megan, karamihan ay mga bata, halos masayang masaya ang lahat lalo na ang mga bata dahil sa mga palarong nagaganap

Ang kambal at ang iba pa nilang kasama ang nag babantay sa mga palaro at nagbibigay ng mga papremyo sa mga nananalong mga bata

Samantala silang magkakaibigan ay inilalagay na sa bawat lamesa ang mga pagkain para pagkatapos maglaro ng mga bata ay kakain na sila at magkakantahan ng Happy birthday sa may kaarawang si Angel

Ang mga kalalakihan naman ay nasa my bandang gilid ng bahay, nasa isang mahabang lamesa at tumatagay ng alak at lambanog na dala ng isa nilang kapitbahay

"Walang litson?," bungad ni Art sa kanila na ikinatawa nila sabay naman suka ni Kate dahil sa naalala kagabi

"Nailitson na namin kagabi," ani ni Vince sabay tawa," Aswang pala yung baboy na ibinigay sa amin, muntikan pang makain ang anak nila Jade,"

"Ah, kaya pala," napangiti nalang si Art sa mga naging kaibigan na niya," May dala po akong litson, regalo ko po kay Angel,"

"Baka aswang yan, Art," biro ni Rohan sa batang naging kaibigan nila ni Akira

"Ahahahahaha," tawa nito," Alaga po namin yan nila Kuya," at sabay inikapag ng kasama nito sa lamesa ang isang malaking litson

Napangiti at niyakap ni Vince ang binata bago niyaya sa umpukan nila, lagi na itong nagpupunta noon sa kanila ng matapos ang pakikipaglaban nila sa mga aswang kaya lalo itong naging close sa kanilang lahat dahil mabait ito

"Kamusta, Art?," bati ni Akira ng makilala ito

"Ate Akira?!," gulat na bulalas nito pagkakita sa kanya," Buhay ka?," di makapaniwalang tanong nito kaya niyakap niya ito dahil sa pgkagulat na ikinatawa ng lahat

Umiiyak ito sa kanyang balikat na ikinatawa niya

"Iyakin ka pa din pala, Art," biro niya dito na ikinatawa nito maging ng mga kasama nila

"Namiss lang po talaga kita ate Akira,"ani nito sa kanya," Akala ko talagang namatay kana, nakita ko kung paano ka patayin nung dati niyong kaibigan, nandoon din po ako ng ilibing ka,"

"Ah kaya pala," napatango nalang siya," Buhay ako ok? Kaya wag kana umiyak,"

"Opo, salamat," napangiti ito bago nakiumpok ulet sa mga kalalakihan, ynalis naman doon si Akira at tumulong kina Megan na asikasuhin angvmga bisita at ang mga bata na paounta sa mga lamesa nila,

Matapos kantahan ang may kaarawan ay nag blow na ito ng cake bago hiniwa at binigay sa mga batang nakaupo

Katabi ng mga ito ang kanilang mga magulang habang inalalayan sila sa kanilang pagkain

Nakaluto na nag hapunan ang mag asawang Rita at Ruben kaya inilagay na nila iyon sa bawat plastic na lagayan at styro para maipamigay sa mga magulang ng mga bata,

Kung ilan ang kasama sa bahay ay ganoon din na styro at baunan na plastic para hindi na magluto ang mga ito, kakaunti lang naman ang bisita nila na pumunta kaya nabilang nila ang mga ihahanda at ipamimigay bilang tulong na din sa mga ito

Pasado na alas sais ng mag uwian lahat ng kanilang bisita, ang iba ay inihatid nila gamit ang sasakyan para agad makauwi ang mga ito sa kani kanilang bahay at makapag pahinga na din

Agad nagsarado ng mga bintana at pintuan ang mga iyon ng makarating sa kani kanilang bahay, kumain ng sabay sabay ng hapunan bago nagsioag higa sa kanilang tulugan ng sama sama paea maprotektahan ang kanilang mga anak

Nagligpit naman sila ng tong tulong, inilagay sa isang kwarto ang mga lamesa at upuan, nilinis ang mga kalat at ang mga pinagkainan bago nagsipag pasok sa bahay

Inayos ang pagkakasara ng mga bintana at pintuan bago nagpasyang magpahinga na sa kanilang kwarto

Lahat ay pagod at puyat kaya bagsak agad sila ng makahiga at natulog ng mahimbing

Wala silang kaalam alam na may mga sumalakay na sa kanilang baryo ng gabing iyon, at halos lahat ng may sakit ang pinuntirya ng mga ito

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

By: Akiralei28

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now