Prologue

2.8K 54 10
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-

Sa mundo ng kababalaghan, may mga nilalang na hindi natin alam na nakakasalamuha natin sa ating pang araw araw na pamumuhay pero pag sapit ng gabi ay ating katatakutan at pangingilagan

Sa panahon kung saan moderno na ang lahat

Computer age na kumbaga, may naniniwala pa ba sa kanila?

Sasabihing kathang isip lang sila at mga panakot sa mga batang matitigas ang ulo?

Sa modernong panahon kung saan uso ang gadget, cellphone, cctv at kung anu ano pa, ginagawa nalang silang katatawanan at tsismisan, ginagawang kwento at pelikula

Sino ang maniniwala kapag sinabi mong nakaranas ka ng lagim at takot sa mga aswang?

Wala, dahil sa panahon ngayon

Na napapanood nalang sila sa telebisyon at sa mga sinehan

Pero magbabago ang pananaw mo kapag naranasan mo iyon sa bayan ng Masapa

Halina kayo at balikan natin ang bayan ng Masapa at ang baryo ng Maligaya

Kung saan mas maraming kababalaghan ang mangyayari Pagsapit ng Dilim

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-

By: Akiralei28

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon