Chapter 48

1.1K 53 1
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Third Person's POV

Kinabukasan pagkagising nila ay nakita nila si Ericka, nakabihis na ito at mukhang aalis na dahil dala na ang bag nito, nagtinginan ang lahat

"Magpapaalam na po ako sa inyo," nakangiting pahayag nito habang sama sama silang kumakain ng almusal

"Ha? Saan ka pupunta?!," gulat na tanong ni Tatay Ruben sa pamangkin

"Aalis na po ako, Tiyo, Tiya," paalam nito sa mag asawa habang nag aalmusal,"Di ko po pala kayang talikuran ang kakambal ko," tugon nito sa kanila

Na ikinanlaki ng mga mata ng mga magkakaibigan

Nalungkot ang mag asawa dahil napili nitong kumampi sa kapatid kaysa sa buong sangkatauhan

"Ito na nga ba ang ikinatatakot ko," ani ni Nanay Rita," Ang lalong lumakas ang pwersa ni Mark,"

"Wag po kayong mag alala," ani ni Rohan,"May mga kakampi pa po tayo para mapuksa si Mark, magtiwala lang po tayo sa ating Amang Lumikha,"

"Paanong di ka aalis, eh nabasted ka ni Rohan kagabi diba?," parinig ni Vanessa sa kanila,"Tapang ng hiya, pinapili pa si Rohan, kung ikaw o ang pamilya nito, tapos nung pinili ni Rohan ang pamilya niya nagtangka ka pa na papatayin ang mga ito, grabe kang babae,"

Napatingin sa kanya si Akira na nakakunot ang noo at nagtatanong kung paano nito nalaman iyon

Sumama naman ang tingin ni Ericka kay Vanessa ng madinig nito ang sinabi sa harapan nilang lahat

"Hehehehehe, sori," sabay nag peace sign siya sa kaibigan," Napadaan ako sa teresa kagabi at nadinig ko ang usapan nilang dalawa, nakita kitang maingat na lumapit sa may pintuan kaya nagtago ako, di rin kasi ako makatulog kaya magpapalipas sana ako ng oras sa sala," mahabang paliwanag ni Vanessa sa kanila

"Tsismosang buntis," biro naman ni Kate na ikinatawa nilang lahat, maliban kay Ericka na masama tingin sa kanila

"Pagpasensiyahan niyo nalang siya, Akira," nahihiyang pahayag ni Tatay Ruben sa kanilang mag asawa

Sabay lingon sa pamangkin na nakakuyom ang kamao kaya napailing nalang siya

"Wala po iyon, Tay," ani ni Akira bago ngumiti sa mag asawa na napakabait sa kanilang lahat, sila ang mga taga pag alaga ng magkakapatid, bago tinignan si Ericka na masama ang tingin sa kanya

Itinuring na silang mga anak, kagaya ng magkapatid na Vanessa at Kate, ay doon na din tumira at nagpanggap na anak ang huli ganoon din sina Rohan at Vince

Dahil gusto nilang mamuhay ng maayos at simple, kaya nakitira sila sa mag asawa na wala naman anak

"Mauuna na po ako," agad na paalam ni Ericka ng makatapos itong kumain, hindi na nito hinintay ang sasabihin ng mag asawa, kaya napailing nalang ang mga ito sa inasal ng pamangkin

Nagkatinginan naman sila dahil sa pagiging bastos nito sa mag asawa

Hindi na sila kumibo ng tuluyan na itong umalis ng bahay, naglakad papunta sa labas at pumara agad ng tricycle ng makita iyong paparating

Tahimik nalang nilang ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal

Samantala...

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now