Chapter 07

1.7K 65 11
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

                    Third Person's POV

"Kamusta, mahal kong Reyna?," nakangiting bati ni Mark kay Gwen habang nakaupo ito at nanonood sa mga batang naglalaro sa kanilang bakuran, mga tiyanak iyon pagsapit ng gabi, pero sa araw ay pang karaniwang bata lamang

Tinignan lang siya ni Gwen ng masama bago iniiwas ulet ang tingin sa kanya

"Masaya ako at nagising kana at bumalik sa dati,"

"Bakit hindi niyo na lang ako pinabayaang mamatay?!," may galit na tanong nito sa kanya habang nanlilisik ang mga matang tinitigan siya," Sana hindi niyo na lang ako binuhay kong papatay naman ako ng mga inosenting tao lalo na ang mga bata o kahit sanggol!!,"

"Inang aswang ka," sabi niya," Mabubuhay ka pa din kahit hindi kita buhayain, nasa sayo pa ang perlas na itim," paliwanag niya sa kaharap," Mamamatay ka lamang kapag naipasa muna ito sa ating magiging anak at kapag naputulan ka ng ulo matapos mo itong maipasa,"

"Ah!," impit niyang tili, iniiwas nalang niya ang tingin sa lalaking naging dahilan ng kanyang paghihirap ngayon, ang mapalayo sa mga kaibigan niya at pamilya," Anlam mong hindi ko ito ginusto, ikaw ang nagbigay nito sa akin!,"

"Mahal kita, Gwen," ani niya sa kausap," Kahit ano pang gawin mo magkalahi na tayo, sabay natin lilipulin ang mga taga baryo at pati mga dati nating kaibigan ay papatayin natin,"

Sinamaan lang siya ng tingin ni Gwen bago ito tumayo at pumasok sa loob ng kubo, hindi na ito lumabas kaya umalis nalang siya na masama ang loob sa kanyang minamahal

Bumalik siya sa kanyang baryo kung saan mas marami na siyang alagad para sumugod sa mga taga baryo sa gabi ng fiesta, bibiglain nila ang mga ito habang nasa kasarapan ng pagsasaya

Napapangiti siya habang naiisip ang maaring mangyari sa mga taong hindi naniniwala sa kanilang lahi, alam niya maraming bago at ang mga iyon ang hindi naniniwala sa mga aswang

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

                     Patrick's POV

Aswang, aswang kayo diyan, hindi naman totoo ang mga iyon, gawa gawa lang ng mga matatanda para panakot sa mga batang pasaway

Hello, computer age na po ngayon at high tech na ang lahat ng kagamitan sa buong mundo, tapos dito naniniwala pa din sila sa mga aswang?

Nakakatawa talaga ang mga tao sa probinsiya, mga walang utak, puro aswang, hindi nalang maniwala na walang aswang

Matagal ng nakatira dito ang lolo ko, siguro mahigit ng 20 years, kami mga limang taon pa lang na namamalagi dito, at sa limang taon na iyon ay wala na ako nadidinig kundi mga kwentong aswang, na sinugod sila at halos matalo sila pero nagkaisa daw sila at natalo daw nila iyon

Hay naku, bahala sila sa buhay nila, basta ako hindi naniniwala sa mga iyan

Kaya pala kami napauwi dito ay dahil nagkasakit na si lolo, pero nung nakaraang taon lang siya naging malubha at naratay sa kanyang higaan

Hindi talaga ako naniniwala sa mga yan, hanggang sa napatunayan kong totoo pala sila, dahil din doon ay nailigtas ko sa bingit ng kamatayan ang aking lolo

"Apo, mag iingat ka sa gabi," bilin ng aking lolo," Lalo na sa mga makikita at madidinig mo,"

"Opo, Lolo," sagot ko sabay irap ng palihim sa kanya, ayan na naman siya sa mga aswang

"Nandiyan yung gulok sa may bintana, sa tabi ng iyong higaan,"

"Opo, lolo," sagot ko na lamang para magtigil na siya sa kakasalita at kakahabilin sa akin

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Kde žijí příběhy. Začni objevovat