Chapter 30

1.2K 61 5
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Third Person's POV

Halos nag aalala na ang mga kapamilya ng mga kalalakihan dahil sa mga itsura ng mga ito, nagmumukha na kasi silang zombie dahil sa maputla nilang kulay at pangingitim sa ilalim ng kanilang mga mata

Kahit ang mga nurse na nakatalaga sa kanilang baryo ay wala din makita kung anong sakit ng mga iyon, na labis na ipinagtataka ng lahat, maging sina Rohan ay nagtataka din

Nagpunta naman sa bahay ng Kapitan si Akira para sabihin kung ano ang dahilang kung bakit nagkakasakit na ang karamihan sa mga kababaryo nila

"Natatakot na kami," ani ni Kapitan, dahil kasama din ang bayaw at kapatid nito na lumalabas sa gabi at babalik ng madaling araw

"Itali niyo sila kaoag nakatulog na at pasakan ng bulak ang dalawang tainga," mungkahi niya sa kaharap,"Maglagay din kayo ng radyo na may tugtog o kahit anong mga maiingay na bagay basta hindi lang nila madinig ang mga pagtawag ng mga Mandurugo,"

"Ibig mong sabihin binibiktima ang lahat ng lalake sa baryo natin?," takang tanong nito

"Oo," sagot niya,"Maging ang mag ama ko ay nabiktima din, pero itinatali namin sila kapag himbing na ang tulog nila, papasakan ng bulak o headset sa tainga at magpapatugtog kami,"

"Sige, susubukan natin yan,"ani ni Kapitan at niyaya na siya na kausapin ang lahat ng kapamilya ng mga apektadong lalake

Nagpatawag ng pulong ang Kapitan para sa lahat, sinabi nito ang mga sinabi sa kanya ni Akira, kaya halos lahat ay nanlumo dahil sa narinig ng mga ito mula sa kanilang Kapitan

"Maaari na po silang mamatay," dagdag pa ni Akira,"Namumutla at nanghihina na sila dahil sa pakunti kunting pagsipsip ng mga Mandurugo sa kanilang mga dugo habang nakikipagtalik sa kanila, may dalawa hanggang tatlong araw nalang ang nalalabi sa kanilang buhay,"

"Ano?!," gulat na tanong ng isang ina, biktima ang asawa at anak nitong binata

"Opo," sagot niya,"Dalawa hanggang tatlong araw nalang kung hindi natin sila tutulungan."

"Paano?,"tanong ng isang lolo

"Kapag nahihimbing na po silang natutulog, itali niyo ang mga kamay at paa nila ng mahigpit, lagyan ng bulak ang bawat tainga at magpatugtog sa tabi nila, para hindi nila madinig ang pagtawag ng mga ito sa kanila," paliwanag pa niya sa mga ito na sinang ayunan naman ng lahat

"Umuwi na po tayo," ani ng Kapitan,"Bantayan natin ang ating mga mahal sa buhay,"

Agad naman sumang ayon ang lahat, kanya kanya na silang uwi ng bahay para maghanda kinagabihan, nakita nilang natutulog pa ang mga iyon kaya kahit hindi pa sumapit ang gabi ay itinali na nila ang mga iyon at baka makalimutan pa nila dahil sa dami ng kanilang ginagawa

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Hating gabi

Dalawang anino ang palihim na sumusunod sa mga lalaking papunta sa kagubatan, may mga ilan pa silang nabiktima na hindi pa nila nagagalaw, dahil ang mga nauna nilang biktima ay mga nakatali kaya yung mga bago ang kanilang tinawag

Sinundan nila ito hanggang sa makarating sila sa isang Sitio na kung saan liblib at halos puro mga babae ang nakatira doon, sila ang tribu ng mga Mandurugo na may lahing bampira, aswang at tao

Palingon lingon sila papasok ng Sitio, pinagmasdan at pinag aralan nila ang bawat galaw ng mga ito at kung ano ang plano ng mga ito sa mga lalaking nagpupuntan doon

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now