Chapter 47

1.6K 70 42
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Her POV

Nandito na naman ako sa isang simbahan, tulad ng nauna kung panaginip

Kaharap ko ang isang anghel at ang aking mama na nakangiti sa akin

"Kamusta anak?," niyakap niya ako ng mahigpit bago siya kumalas makalipas ang ilang minuto

"Ayos lang po ako ma," ganti niyang sagot bago nginitian ang anghel na napaka gwapo na nakangiti din

"Malapit ng magsimula ang lahat," ani ng anghel sa akin, " Mapapaaga ang digmaan, hindi na iyon aabutin ng dalawang taon,"

"Ano?," gulat kong tanong sa kanya,"Diba sabi niyo nung huling pagkikita natin tatlong taon mula ng araw na iyon?,"

"Oo, pero mapapaaga ang araw na iyon," malungkot na sagot niya sa akin

"Ha? Kailan naman iyon mangyayari?," tanong ko ulet sa kanya

"Tatlo o apat na buwan mula ngayon, kung saan magsasanib ang buwan sa araw, matatakpan nito ang sinag ng araw. Pagkatapos niyon ay magkakaroon ng kadiliman ng buong isang linggo,"

"Eclipse?," tanong ko na ikinatango lang niya sa akin," Anong mangyayari sa eclipse at sa isang linggo na puro kadiliman lang ang lahat?,"

"Sa araw na matatakpan ng buwan ang araw ay magsisimula na silang maghasik ng lagim, pagkalipas ng dalawang araw ay magaganap na ang pagdilim, dito ay marami ang masasaniban lalo na ang mga taong mababa at walang pananampalataya sa ating Ama," mahaba pa niyang dagdag kaya napapatango nalang ako sa kanya

"Anak," ani ng aking ina," Kapag siya ay masusugatan hindi ka maapektuhan, pero kapag ikaw ay nasugatan, maaapektuhan siya at matagal humilom iyon,"

"Paano, Ina?," takang tanong ko

"Ikaw ang buhay niya," sagot niya sa akin," Heto ang gintong punyal, iyan ang itatarak mo sa puso niya, ikaw lang ang makakapatay sa kanya, kapag nakuha yan ng iba at itatarak sa puso niya ay hindi tatalab iyan, ikaw lang anak ang makakatalo sa hari ng kadiliman at impyerno at sa kanyang mortal na katawan na nakatago sa kailaliman ng impyerno,"

"Sige po, tatandaan ko po iyan," ani ko sabay lagay sa gintong punyal sa aking bewang," Kelan po ulet tayo magkikita?,"

"Sa araw ng digmaan," sagot ng anghel sa akin," Kakausapin pa namin ang amang lobo para makapaghanda na sila,"

"Paalam," tanging sabi ng aking ina

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Nagising nalang ako na nasa kubo na ako nakahiga, madaling araw na pala, buti at di ako napahamak,

Nakapa ko ang punyal sa aking bewang na nakaipit sa aking pantalon, agad akong pumasok sa loob at itinago ang punyal sa isang tagong lugar na ako lang ang nakakalam

Mas maganda na yung nag iingat dahil hindi ko alam kung sino ang pwede bumaliktad sa panahon ngayon

Maaga pa naman kaya mahihiga muna ako para makatulog kahit sandali lang

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now