Chapter 52

1.2K 56 3
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Third Person's POV

Halos araw araw ng alas tres ng hapon nila nakikita ang mga demonyong paikot ikot sa simbahan, sa buong baryo at sa iba pang lugar

Halos wala ng tao sa lanasangan pagsapit ng alas tres ng hapon,

Lahat sila ay nas aloob na ng bahay

Nagtatago at nag iingat para sa kanilang kaligtasan

Isinasaradong maigi ang bawat bintana at pintuan, naglalagay ng lung anu anong pangontra laban sa mga demonyong naglipana sa buong kapaligiran

Nakabantay naman ang mga taong lobo sa paligid ng lihim, minamatygana nila ang bawat kilos ng mga demonyong tila naglalaro ng tagu taguan at habulan sa simbahan

Nagbabantay sila sa bawat sulok ng baryo Maligaya at sa buong Bayan ng Masapa, para na din sa kaligtasan ng kanilang mga kababaryo at pamilya

"Langyang mga demonyo," bulong ng isang matanda habang nakasilip sa maliit na siwang ng bintana," Kelan ba sila lalayas dito sa baryo natin?,"

"Katapusan na po ba, Lolo?," tanong ni Patrick sa kanyang lolo

"Nagsisimula pa lang apo," tugon nito sa kanya," Kaya maghanda ka din,"

Napakamot nalang ng ulo ang binata at umalis sa tabi ng kanyang lolo

Nagpunta siya sa sarili niyang kwarto para doon makiramdam at magmatyag sa paligid nila

Alam niya anumang oras at araw ay nanganganib na ang buhay nila maging ang buong baryo at mga kalapit probinsiya nila lalo na ang Lungsod

Pagsapit ng alas otso ng gabi ay halos napakatahimik na ang buong paligid na dati ay may maririnig ka pang mga nag aaway na kapitbahay, mag batang naglalaro sa kalsada at mga kalalakihan na nag iinuman sa isang tindahan

Ngayon tila isa ng ghost town ang buong baryo dahil sa napakatahimik

Maging mga alagang hayop ay di makagawa ng kahit anong bagay na lilikha ng ingay, maging ang mga pang gabing insekto ay tila nakaramdam din ng takot kaya wala ka din madidinig

Samantala

"Parami na sila ng parami," bulong ng Vince na nasa isang tagong lugar at nagmamasid sa mga demonyong nakatayo sa bubungan ng simbahan

"Nasa tatlumpo silang lahat," ani naman ng katabi niya

"Ano ang ginagawa nila?," takang tanong ng mas bata sa kanila

"Tila nag sasagawa ng pagdarasal," sagot ni Rohan," Insulto sa relihiyon natin dahil diyan pa sila mismo sa simbahan gumagawa ng dasal para sa demonyo,"

"Sugurin na natin," ani pa ng isa na nang gagalaiti sa inis at galit dahil sa ginagawa ngvmga demonyo

"Sandali," pigil ni Rohan ng makitang sumulpot bigla sa taas ng simbahan ang isang demonyo na walang iba kundi si Mark na nakamasid sa paligid,"Dumating si Mark,"

Pinagmasdan nila ang demonyong bagong dating at naghintay ng gagawin nito

"Mga taong lobo!," sigaw nito mula sa tuktok ng simbahan," Alam kong nakikita niyo ako at syempre nakikita at naamoy ko kung nasaan kayo nagtatago," sabay halakhak na halos ikayanig ng kanilang inaapakang lupa," Pagmasdan niyo ang nasa paligid niyo!," utos sa kanila

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now