Chapter 51

1.1K 51 4
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Mark's POV

Masaya ako habang pinagmamasdan ang mga tao na puno ng takot at kilabot sa kanilang mga katawan

Umpisa pa lang ang mga demonyong iyong nakikita, marami pa ang mga susunod na magaganap bago ang pinaka masayang parte ng aking pagsakop

Ahahahahahahaha

Humanda kayo sa biyernes santo, lahat ng nakikita niyong demonyo ay matitikman niyo ang bagsik nila at ang pagkahayok sa laman at dugo ng tao

Dahil kalahating aswang na din sila bago pa dumating ang araw na ito

Kaya mas marami na kami kaysa sa inyo

Ahahahahahahah

"Ang saya mo yata ah," ani ni Gwen kasunod si Melanie na isang impakta

"Gwen! Gwen! Gwen!," ani ko ng makita ang babaing aking minamahal,"Mabuti at nagpakita kana sa akin? Malapit na natin masakop ang sangkalupaan,"

"Kelan tayo lulusob?," tanong ni Melanie sa akin ng nakalapit na siya

"Malapit na, impakta," sagot ko sa kanya

"Anong balak mo?," tanong nan ni Gwen sa akin habang nasa tabi ko at pinapanood ang buong Lungsod ng Masapa dito sa pinakamataas na bundok

"Ang sakupin silang lahat," sagot ko at inakbayan siya," Ang mapatay ang mga taong lobo at ang lahat na may hadlang sa pinaplano ko,"

"Sabihan mo lang kami," ani ni Melanie sabay alis sa tabi namin

"Halika," yaya ko kay Gwen," May ipapakita ako sayo,"

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Niyaya ni Mark si Gwen sa kailaliman ng impyerno, halos hindi siya makahinga dahil sa sobrang init na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon

Marami siyang bakitang mga iba't ibang uri ng demonyo na kumakain ng tao sa kailaliman niyon

May mga aswang din na tila may mga binabantayan sa di kalayuan

"Yan ang alas ko," turo ni Mark sa isang bagay na nakapwesto sa ilalim ng isang gintong puno

Nanlaki ang mga mata ni Gwen sa nakita niya ng nalapitan nila iyon

"Hangga't nakatago yan ay mabubuhay ako ng paulet ulet," nakangisi niyang pahayag kay Gwen na hanggang ngayon ay nakatitig at nakatulala pa din sa kanyang nakikita

"Paano?," pagtatakang tanong niya

"Hindi ko pwede sabihin sayo," seryosong pahayag nito sa kanya," Kapag napatay yan ng kakambal ko ay maari na akong mamatay ng tuluyan, pero uunahin ko siya bago pa niya makita ang kahinaan ko," humahalakhak na sabi niya kay Gwen habang napapaisip ang katabi sa sinabi niya, kaya nanahimik nalamang ito

"Wais ka talaga, Mark," bulalas ni Gwen

"Naman, Gwen," may kumpiyansang tugon nito dito," Ano pa at naging bagong hari ako ng mga demonyo di ba?,"

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon