*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*Napapaikutan na ng mga aswang ang buong kabahayan, maging sa buong baryo
Wala na sila malingunan pa kaya nagsama sama na sila sa loob ng kwarto para maprotektahan ang mga buntis
"Sa basement tayo!," biglang sabi ni Tatay Ruben kaya nagtinginan silang lahat," Habang hindi pa sila nakakapasok,"
"Tara na!," mabilis na yaya ni Nanay Rita sa kanilang lahat
Agad naman inalalayan ni Ivan ang asawa niya, naka alalay naman kay Vanessa at Megan sina Jade at ang magkapatid, habangvkay Gwen naman ay si Krishna
Nasa hulihan si Akira para makita niya kung may makakapasok ng mga aswang sa bahay nila
"Malapit na silang makapasok!," ani niya kaya lalong nagmamadali sila pababa ng kwarto
Nasa may kusina ang basement nila na nasa unang palapag ng bahay
Nangunguna naman doon ang mag asawa para mabuksan agad iyon pagdating ng mga kasama nila
Agad iniurong ng dalawang matanda ang malaking aparador para mabuksan ang pintuan na nasa ilalim noon
May hawak naman na flashlight si Nanay Rita habang binubuksan ang pintuan ng kanyang asawa
Agad nakalapit ang lahat sa mag asawa habang iniaangat nito ang bakal na pintuan
"Mauna kana Rita," anas ni Tatay Ruben sa asawa niya," Ilawan mo sa loob at susunod ako para alalayan ang mga buntis,"
Agad naman na mabilis na bumaba si Nanay Rita habang iniilawan ang buong basement kung saan sila magtatago
"Nasa taas na sila!," ani ni Acacia sa mga iyon kaya nagmamadali na sila bumaba sa hagdan, nasa loob na ang dalawang buntis at si Gwen
Tanging sila nalang nila Megan at ang magkapatid ang naiwan doon sa kusina, nauna na sa kanila si Acacia na dala ang anak ni Megan
"Bilisan niyo!," ani pa niya habang nakikita na ang mga tiyanak na pagapang sa mga dingding papababa sa hagdan papunta sa sala
Agad naman nagmamadali na bumaba ang tatlo kahit na nahihirapan ay pinilit ni Megan na makababa ng mabilis, kasunod ang magkapatid
Nang makababa na ang mga ito ay saka naman sumunod si Akira, hinila ang tali ng pintuan habang pababa siya para masarado iyon
Kahit na may kabigatan ang pintuan dahil gawa nga iyon sa bakal, eksaktong pagkasara niya ay saka nagsulputan ang mga tiyanak
Nabunggo ang mga iyon sa sahig ng tumalon ang ilan para lang makapasok at masagpang ang kamay ni Akira
Natuklap na ang ilan sa kanilang bubungan, maging sa dingding ay nabubuksan na din at lalo sa kanilang pintuan, nakakapasok na ang ulo ng tikbalang kasunod ang ilang mga halimaw
Halos nag iiyakan na ang dalawang anak ni Megan habang niyayakap naman ng mahigpit ni Grace ang kanyang anak
Habang nagdadasal naman ng lihim ang tatlong buntis na sana ang ay maghimala para sa kanilang lahat
Kahit na nasa ilalim sila ay nadidinig pa din nila ang mga kalampagan sa taas at ang mga nagwawalang aswang dahil hindi sila naabutan doon
May ilan na ginagamit ang pang amoy nila para mahanap ang mga buntis pero nabibigo sila, kahit naaamoy nila ang mga iyon ay hindi nila mahanap kung saan nagtatago ang mga iyon
Naaamoy nila sa kusina at sa sahig pero wala silang makitang palatandaan kung saan nagsuot at nagtago
"Ahahahahahaha!!!," dinig sa buong baryo at karatig baryo ang halakhak ni Mark na tuwang tuwa sa nakikita,"Sige ubusin niyo silang lahat!!,"
![](https://img.wattpad.com/cover/227122402-288-k315120.jpg)
YOU ARE READING
ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )
HorrorPagsapit ng dilim, ano ang kanyang tinatagong sindak at katatakutan? Anong uri ng mga nilalang ang nagkukubli pagsapit ng gabi? Kung saan sa umaga ay nagtatago at natutulog sila, pag lubog ng haring araw naman sila gigising at maghahanap ng pagkain ...