Chapter 35

1.2K 56 2
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Habang abala sa pagdarasal ang mga aswang sa gagawing ritwal ng pagsasanib pwersa ng mag ama ay abala din ang ibang aswang sa pagroronda sa buong paligid ng simbahan para pa proteksiyon ng mag ama

Nakapikit si Mark habang may kulay itim na usok na pumapaikot sa kanyang katawan, iyon ang ama niya, pinaiikutan siya at tinatantsa kung kakayanin ba ng katawan ng kanyang anak ang pagsasanib ng kanilang lakas, katawan at ng kaluluwa nila

Ilang sandali pa ay pumasok na ang itim na usok sa bunganga ni Mark na nakabukas ng bahagya, tumirik ang mga mata nito, halos wala ng itim na makikita habang patuloy lang sa pagbigkas ng orasyon ang mga matatandang aswang na palakas ng palakas ng mga sandaling iyon

Umungol si Mark habang nakatingala, halos puti na lang ang makikita sa kanyang mga mata, sumigaw ito ng malakas na tila nasusunog ang buong katawan dahil sa tindi ng init na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon

Sumisigaw na siya dahil sa tila nagbabaga na ang kanyang katawan dahil sa tindi ng init na bumabalot sa buo niyang pagkatao

Napapaikutan na siya ng apoy habang nasusunog ang kanyang kasuotan ng mga sandaling iyon, nakahubad na siya habang nakaluhod dahil sa sobrang kapaguran na nangyari

Ilang sandali pa ay unti unti ng nagbabago ang kanyang pisikal na kaanyuan, mula sa ordinaryong katawan ay lumaki iyon

Tumangkad siya na halos kasing taas na ng gusali na may tatlong palapag, ang kayumanggi niyang balat ay napalitan ng mapupula at nababalutan ng mga itim na buhok

Ang mga mata niya na namumula at nanlilisik, tila nag babaga iyon kapag tumitig, ang anumang kanyang titigan ay nasusunog ng mga sandaling iyon kaya nagsipaglayo ang mga aswang sa kanyang tabi at harapan

Ang dalawang mata ay naging lima, isa sa kanyang noo, at isa sa bawat magkabilaang pisngi niya na kasing laki ng palad ng isang bagong silang na sanggol

Ang ulo niya ay kagaya ng sa isang aso, umusli ang kanyang nguso, tinubuan ng matutulis na mga ngipin at mahahaba na nakalabas sa kanyang magkabilaang bibig

May mahahabang tainga na katulad sa aso at napakatalas ng kanyang pandinig, tinubuan siya ng apat na sungay na may sanga sa bawat gilid

Ang mga kamay niya ay humaba ng halos apat na dangkal na may mga matutulis na kuko na halos tig dadalawang dangkal ang sukat niyon

Wala siyang ilong, kundi mga butas lang iyon na tila nakadikit sa kanyang mukha

Malalaki ang kanyang mga braso at binti na puno ng maiitim na balahibo, ang paa niya ay kagaya sa isang aso na may mga matutulis na kuko, tinubuan din siya ng apat na buntot, na may mga matutulis sa bandang dulo na kayang bumutas sa isang mahinang katawan ng tao

May malalaking pakpak na kagaya sa isang paniki, na kayang takpan ang isang may kalakihang,

At higit sa lahat, tinubuan din siya ng dalawa pang kamay sa may tagiliran niya, kakaibang kamay dahil ang bawat palad niyan ay may bibig na may matutulis na mga ngipin, na kayang pumino sa buto ng taong kakainin nito

"Maligayang pagdating, aming bagong Hari," sabay sabay na yumukod ang mga matatandang aswang ng matapos ang pagpapalit ng anyo ni Mark, yumuko siya para tignan ang mga alagad na nakayuko banda sa kanyang paanan

Humalakhak ng napakalakas si Mark ng makita niya ang kanyang bagong kaanyuan

Nakipagsanib na sa kanya si Alberto dahil wala na din naman ito rason para mabuhay dahil napatay na nito ang babaing pinakamamahal niya

Kahit magkasanib ng katawan at kaluluwa ay isip pa din ni Mark ang namamayani, patay na ang katauhan ni Alberto ng sumanib siya sa katawan ng kanyang anak

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now