Chapter 54

1.1K 54 2
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Akira's POV

Biyernes Santo

Habang nadito kami sa harapan ng simbahan para kumuha ng holywater ay napansin ko ang mga pagdagsa ng mga demonyo sa simbahan

Nakaupo sila sa bubungan ng simbahan at tila nagmamasid sa buong kapaligiran

Pinagmamasdan ko silang mabuti at ngayon ko lang napagtanto na halos tumulo na ang kanilang laway dahil sa guyom habang nakamasid sa aming mga kababaryo ng mga oras na iyon

"Maghanda kayo," bilin ko sa kay Shane habang binabalahan ko ang panang baril ko ng mga pakong pinatulis ang dulo,"Mag aalas tres na ng haoon kaya baka sumugod na sila,"

"Opo, Ma," tugon niya sa akin habang inihahanda din niya ang kanyang sandata

Nasa loob pa sina Rohan, Blaze at ang iba pa na kumukuha ang holywater para panlaban sa mga demonyo at aswang

May mga tao pa din sa paligid at nag aayos ng kani kanilang bahay, naglilinis ng bakuran, nagtitinda at mga batang naglalaro kasama pa ang ibang kabataan na nasa kanilang kapaligiran

Pinagmamasdan ko ang mga demonyo na nakatingin sa mga batang naglalaro habang naglalaway ang mga ito

Hindi ako mapakali dahil alam kong lulusob ang mga iyon anumang oras

"Masama ang kutob ko," ani ni Rohan sa akin sabay abot ng isang galon na holywater sa akin," Hindi sila gagawa ng mabuti ngayong araw,"

"Ano ang gagawin natin?," tanong ko sa kanya, pansin ko lahat kami ay tig iisang galon ng holywater na hawak

Ano ang gagawin namin dito?

Baka ipapaligo pag uwi sa bahay

Ahahahahaha, joke lang.

Ito ang gagamiyin namin pambabayad sa mga bala ng pana namin at sa iba pang sandata na nasa bahay

"Malapit na mag alas tres, Pa," sulpot ni Blaze sa tabi namin sabay handa ng kanyang sandata

"Tara na," yaya ko sa kanila

Nauna na silang naglakad sa amin ni Shane, habang nagmamasid ako sa mga demonyong nasa bubungan ng simbahan

Tahimik lang sila habang nakaupo at tila naghihintay ng hudyat para sumugod sa buong Bayan ng Masapa

Nagulat ako ng madinig kong bumatingting ang kampana ng simbahan, hudyat na alas tres na ng hapon

Na kung saan patay na ang Diyos

Tumingin ako sa mga demonyong nakaupo, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko silang nagsipagtayuan

Ininuka ang mga pakpak at ikinampay na handa ng lumipad anumang oras

"Humanda kayo!," sigaw ko sa mga kasamahan ko

Nagulat man sila ay napalingon sila sa simbahan na ilang metro na ang layo mula sa amin, agad silang humanda sa pakikipaglaban kung atakihin kami

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon