Chapter 33

1.2K 56 3
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Third Person's POV

Ilang araw na ding nakakaramdam ng sakit sa kanyang balakang si Grace, humihilab ng pakunti kunti ang kanyang tiyan kaya laging nakaalalay ang asawang si Jade sa kanya

"Ilang araw nalang ay manganganak na siya," ani ni Lola Andeng," At sa makalawa ay undas na, masyadong tahimik at payapa ang baryo, kaya nakakatakot,"

"Oo nga po, Lola," sang ayon nila sa matanda

"Bweno, uuwi muna ako sa kubo ko,"paalam ni Lola Andeng sa kanila,"Babalik ako sa undas, tutal baka mga sabado pa makapanganak si Grace,"

"Pero, Lola delikado," awat ni Akira sa matanda, kinakabahan siya ng di niya alam," Paano kung hindi kana makabalik?,"

"Sunduin mo ako ng undas o sabado ng umaga bago makapanganak si Grace," ani nitong nakangiti ng malungkot sa kanya kaya lalo siyang kinilabutan

"Sige po," sang ayon niya sa matanda

Inayos nalang nila ang mga gagamitin ni Grace para sa panganganak nito ilang araw mula ngayon,

Habang ang ilan naman sa mga kapitbahay nila ay  abala sa paglilinis ng mga nitso ng kanilang mga namatay na kaanak

Sa tradisyong pinoy ay hindi talaga mawawala ang pag alaala sa mga namatay na kaanak kahit na gaano pa iyon katagal na namatay, halos taon taon kada sasapit ang undas ay lagi iyong ipinagdiriwang

Pupuntahan ang sementeryo, lilinisin ang bawat nitso at higit sa lahat ay nagpapadasal ang ilan para sa kaluluwa ng mga namatay na kaanak

Naghahanda din kapag undas, lalo na ngayon dahil sa makalawa na nga iyon

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Samantala sa baryo nila Mark

"Panginoon, kompleto na po ang labing tatlong bata para sa makalawa," ani ng isang aswang na lalake habang nakayuko sa harapan niya

"Magaling, magaling," nakangisi niyang sambit dito," Ihanda ang pagdarausan ng ritwal at pag aalay, gusto ko ng maayos at malinis na kapaligiran, dahil ito ang unang pagkakataon na makakaharap ko ang aking ama,"

"Opo," yumuko ulet ito bago umalis sa harapan niya, pinulong lahat nito ang mga kalalakihang aswang, naghanda para sa gagawing pag aalay para sa pagsalubong ng undas

Halos lahat sila at nag nanais na makita at makaharap ang ama ng kanilang panginoon, ang Haring Demonyo

Na kung papalarin sila ay sa hating gabi o pagsalubong ng undas magaganap ang lahat kaya gusto nila ay maayos at matutuwa ang kanilang hari para sa mga alay na bata

Nasa isang sulok ang dalawang kulungan kung saan nakakulong ang mga batang iaalay sa demonyong ama ni Mark

Nag iiyakan ang mga iyon habang nagyayakapan, ang iba ay magkapatid o mag pinsan, ang iba ay magkakaibigan o magkakapitbahay at yung iba ay di nila kilala dahil galing sa ibat ibang baryo o bayan ang mga iyon

Kapag nadidinig nilang nagsisipag iyakan ang mga bata ay tatakutin nila ang mga iyon at pagbabantaan na kakainin kapag hindi sila nagsipagtigil sa pag iyak

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu