Wala po muna tayong mga labanan ngayon o mga aswang, hayaan po muna natin sila magdiwang ng pasko at bagong taon✌✌✌✌😂😂😂😂
Advance ko na po ang kapaskuhan at bagong taon para sa kanila at sa akin😂😂😂😔😔😔😔
*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*
Akira's POV
Hay nakakapagod din ang nangyari sa Sitio ng mga IKKI, hindi namin alam na marami na pala sila doon nakatira at halos maubos kami ng kalabanin namin sila, sana sa nalalapit na pagsapit ng kapaskuhan at bagong taon ay wala muna kami makalaban o ang buong baryo
Tatlong araw nalang at sasapit na ang kapaskuhan, papabinyagan na din nila ang kanilang anak na si Mikaela, napakagandang bata na tila isang anghel, malusog at napakaputi
Naghahanda na din ang buong baryo para sa pagsalubong sa kapaskuhan, sana lang talaga au maayos namin iyon maidaos hanggang sa bagong taon, sana lang talaga
Sina Gwen at Megan naman ay halos gabi gabi kung magkita dito sa bahay, natutuwa naman ang mga kaibigan namin dahil nakita nga nilang muli si Gwen, pero kapag kabilugan ng buwan ay di ito nagpapakita dahil nagiging mabagsik na aswang ito kasama ang mga halimaw na takot sa liwanag
Darating naman sina Tito Rex at Tita Aime bukas para dito magpasko at bagong taon, ganoon din ang mga magulang at kapatid nila Rohan kaya masaya ang lahat dahil kompleto sila
Ang kulang lang ay si Lola Andeng na pinatay ng ama ni Mark, sayang at hindi na namin siya makakasama hanggang sa nalalapit na sagupaan ng mga kampon ng kadiliman at ng sangkatauhan
Sana malampasan din namin iyon ng sama sama
"Pupunta kami sa bayan," paalam ni Kate sa akin, medyo halata na din ang tiyan nito kagaya ng kay Vanessa," Sasama ka ba?," tanong ulet niya sa akin habang nakaakbay
"Sige," sagot ko sabay tayo," Magpapalit lang ako," paalam ko na ikinatango lang niya
Habang naglalakad ako papunta sa kwarto namin ay nakita ko si Angel sa pintuan ng kwarto nila Megan, may hawak itong punyal na kulay silver, napakunot noo ako saka ko siya nilapitan
"Saan mo nakuha yan, Angel?," tanong ko sabay upo sa harapan niya," Matalas yan ah,"
"Nakita ko po sa ilalim ng higaan nila Mama," ani nito sa akin, tinitigan ko ang punyal, kakaiba iyon dahil sa desinyo nito, may mga pakpak ng isang anghel na nasa gilid ng hawakan at sa mismong punyal ay nakaukit ang isang mukha ng demonyo
"Pwedeng hingiin nalang ni Tita?," nakangiti kong tanong sa kanya, na sana nga ay ibigay niya sa akin, dahil mukhang di lang basta punyal iyon
"Sige po," agad niyang iniabot sa akin kasama ng lagayan niyon," Basta Tita Akira, wag mo po sasabihin kay Mama na nakita ko po iyan,"
"Oo ba," nakangiti kong ginulo ang buhok niyan bago ko siya pinasok sa loob ng kwarto nila Megan
Tinago ko ang punyal sa suot kong pantalon ng matapos akong nakapagbihis, dadalhin ko iyon papunta sa bayan para maitago sa bata, baka makita pa niya ito ulet at kung saan lang maitapon
Pero kanino galing ang punyal na ito?
Hindi naman pwede kina Tito Rex, kasi wala naman sila kakayahan na gumawa ng sandata
YOU ARE READING
ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )
HorrorPagsapit ng dilim, ano ang kanyang tinatagong sindak at katatakutan? Anong uri ng mga nilalang ang nagkukubli pagsapit ng gabi? Kung saan sa umaga ay nagtatago at natutulog sila, pag lubog ng haring araw naman sila gigising at maghahanap ng pagkain ...