Chapter 32

1.6K 68 17
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Someone's POV

Nandito ako, nakatayo sa isang simbahan na malapit sa bayan, isang napakalaki at magandang simbahan

Hindi ko alam kung paano ako napunta dito

Ang alam ko lang ay kasama nila ako na natutulog ng mga oras na iyon

Nananaginip ba ako o totoo itong nakikita ko?

"Kamusta?," tanong isang anghel na bumaba mula sa isang istatwa na naka dispaly sa loob ng simbahan, hindi siya kasing kisug ng anghel na si Gariel na sugo ng Diyos at lumaban sa mga demonyo noon

Isa din siyang mandirigma katulad nito pero ano ang gunagawa nila dito sa lupa?

"Anghel ka?," naguguluhan kong tanong na ikinangiti lang niya

"Oo," diretsang sagot niya sa akin," Naparito ako para sabihin sayo ang maaaring mangyari sa hinaharap at kung paano mo mapupuksa ang iyong kakambal na demonyo,"

"Pinadala ka NIYA dito sa lupa?," tanong ko

"Oo," sagot niya sa akin na naupo sa isa sa mga upuan doon," Kapalaran mo na ang puksain siya kahit na magkakambal at magkarugtong ang buhay niyo, mamamatay siya kung ikaw mismo ang papatay sa kanya,"

"Paano ang pamilya ko? Mga kaibigan ko?," malungkot kong tanong sa kanya," Wala na po ba tayo pwedeng gawin?,"

"Wala na," diretsang sagot niya sa akin," Buhay mo kapalit ng katahimikan ng buong mundo,"

"Bakit buong mundo?," naguguluhan kong tanong,

"Dahil kapag umanib na ang ama niya sa kanya, magkakaroon na din siya ng kapangyarihan na galawin ang iba pang lugar kahit malayo dito,"

"Kaya anak makinig ka," sulpot naman ng isang magandang babae sa likuran ng anghel," Ikaw lang ang pag isa ng buong mundo,"

"Ma," naiiyak ko siyang nilapitan at niyakap, miss na miss ko na siya

Ilang taon na ba kaming hindi nagkikita?

"Ayaw ko pang mawala sa kanila," umiiyak kong sabi, oo natatakot akong mamatay dahil mawawala ako sa mga mahal ko sa buhay

Sa asawa ko, sa mga anak ko at higit sa lahat sa mga kaibigan ko, pero paano kung ang buhay ko lang ang kapalit ng ikatatahimik ng lahat?

Kaya ko ba itong isakripisyo?

Oo sabihin na natin na selfish ako dahil nag aalangan ako, pero may sarili na akong buhay di ba at pamilya

"Kulang kulang tatlong taon mula ngayon, ay magaganap na ang isang digmaan na kinatatakutan ng sangkatauhan, ang nalalapit na pagkawala ng mga tao, kapalit ng mga demonyi, aswang, mga kauri nila. At kayong mga tao ay magiging aklipin at pagkain na lang nila,"

"Mabubuhay pa po ba ako?," tanong ko na nakapaka imposibleng mangyari

Nagngitian lang silang dalawa,

"Paghandaan mo ang mga maaaring mangyari, ang babala at ang demonyong magpapakita kahit na nasa banal na simbahan kayo," paalala pa niya sa akin habang may inaabot na isang pilak na kutsilyo," Ito ang gamitin mo para mapatay mo siya, " kinuha ko naman iyon agad at itinago

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Onde histórias criam vida. Descubra agora