Chapter Thirty Eight

15.2K 596 131
                                    

Note:

Happy 112K reads! Kamsahamnida~ Vote and comment chingus. Gomawoyo~

-Jihwanxxi

-


Nagising ka nang maramdaman mong may nakatingin sayo. Dahan-dahan mong binuksan ang mga mata mo at nakita ang pamilyar na kwarto ni Se-


Kwarto ni Sehun?!


Napabalikwas ka ng bangon at iginala ang tingin sa paligid. Kay Sehun nga to. Teka, ano bang nangyari kagabi? Anong ginagawa ko dito? Tanong mo sa sarili mo habang inaalala ang mga pangyayari kagabi.


"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Muntik ka nang mahulog sa kama nang may magsalita sa tabi mo. Lumingon ka at nakita mo si Sehun na nagmamasid sayo mula sa sofa at may bitbit na pagkain.


Kanina pa ba siya dyan? Ba't di ko napansin?!


Dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi mo napansin na nakalapit na pala siya sayo. Sumampa siya sa kama at tinabihan ka at ipinatong ang pagkain sa may paanan nyo.


"Kumain ka na" Sabi pa niya sayo na parang wala lang. Gusto mong lumayo sakanya dahil baka marinig nya ang lakas ng tibok ng puso mo na kanina pa gustong tumalon.


Namula ng todo ang mukha mo nang bigla nyang inilapat ang kamay nya sa noo mo.


"Aegi, may sakit ka ba? Ba't ayaw mong kumain?" Nararamdaman mo na ang paghinga nya at nabibingi ka na sa lakas ng kabog ng puso mo.


"A-ayos lang ako O-oppa" Nauutal-utal mo pang sagot. Packing tape naman kasi eh! Ang aga-aga Oh Sehun. Gusto ka ba nyang patayin sa kilig?!


"Namumula ka. May sakit ka nga" Anak ng. Sinong hindi mamumula kung ganito kalapit ang iyong pagmumukha?!


"Mainit lang Oppa" Gusto mong bigyan ng award yung sarili mo dahil sa kalmado mong sagot. Kailangan mong pakalmahin yang sarili mo dahil baka mamaya marape mo pa yang asawa mo.


"Gusto mo bang lakasan yung aircon?" Ano bang nangyayari sa isang to?! Bakit sunod-sunod magpakilig? Sasabog na yung puso ko.


Sunod-sunod ang ginawa mong pag-iling.


"Wag na Oppa. Ayos lang ako" Hindi ka nya pinansin at dumiretso lang para palakasin ang aircon. Kinuha nya ang pagkain at akala mo ay aalis na siya pero bigla siyang tumabi ulit sayo at nilapit ang chopsticks sa bibig mo. Para kang batang paslit na sinusubuan ng nanay nya.


Teka susubuan?! Susubuan ako ni Oh Sehun?! Is it real? Is it real?


Nag-aalangan ka kung isusubo mo o hindi pero nang makita mong unti-unti nang naiirita si Sehun ay agad mo na itong isinubo.


OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now