Chapter Forty Five

13.5K 557 146
                                    

Note:

Vote and comment~

-Jihwanxxi

--

Alam na namin kung sino ka. Simulan mo nang magdasal dahil hindi ka namin paliligtasin mamaya.


Unti-unti kang nanginig nanng mabasa ang isang sticky note na nakadikit sa locker mo. Mabilis mo itong hinablot at tumingin-tingin ka sa paligid.


Hapon na at kanina pa nagsialisan ang mga estudyante sa University na pinag-aaralan mo. Pumunta ka sa locker mo para mag-iwan ng mga gamit mo at laking gulat mo nang makita ang mensaheng nakadikit sa pinto nito. Huminga ka ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Inaasahan mo nang mangyari to.


Alam na nila ang tungkol samin ni Sehun. Ano kaya ang susunod nilang hakbang? Kinakabahang tanong mo sa sarili mo.


Kinuha mo na ang backpack mo at mabilis na naglakad palabas. Kailangan mo nang makausap si Sehun. Kailangan mo na talaga ipaalam sakanya ang mga panggugulo ng mga sasaeng sayo.

--

Napatigil ka bigla sa paglalakad nang maramdaman mong may sumusunod sayo. Napalunok ka at binilisan ang lakad mo. Panaka-nakang tumitingin ka sa likod mo at nakikita mo ang mga anino nila.


Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi malayong saktan nila ako. Napapapikit na sabi mo sa sarili mo. Hinanda mo na ang sarili mo sa maaaring mangyari sayo.


Sana naman buhayin pa nila ako.


Tumingin ka sa paligid mo at napansing papalubog na ang araw. Gusto mong sabunutan ang sarili mo kung bakit pa kasi naisipan mong tahakin ang makitid na shortcut papunta sa bahay nyo.



Diretso pa rin ang lakad mo nang biglang may bumato sa likod mo. Hindi ka pa nakakahakbang ay sunod-sunod na ang naging pagbato sayo ng malapot na bagay. Niyakap mo na lang ang sarili mo sa kawalan ng magagawa.


Hindi ka pwedeng tumakbo. Hindi ka pwedeng lumaban. Paalala mo sa sarili mo. Hindi mo pwedeng takasan to dahil sa oras na takbuhan mo sila, mas mapapahamak si Sehun.


Kaya mong tiisin lahat ng sakit na mararanasan mo para protektahan ang asawa mo.


Narinig mo ang mga yapak nila bilang hudyat ng paglapit nila sayo. Bigla mong naramdaman ang pagbuhos sa mukha mo ng dilaw na pintura at kumalat ito hanggang sa paanan mo. Pagkatapos ay sinabuyan ka naman nila ng harina. Napapikit ka na lang upang pigilan ang mga nagbaadya mong luha.


"Yan ang bagay sayo! Mukha ka nang itlog!" Rinig mong sabi ng isa at nagtawanan silang lahat.


"Hahaha! Bagay na bagay!" Sabi naman nung isa sabay hila sa buhok mo.


"Hindi pa kami tapos sayo! Anong pumasok dyan sa isip mo at naisipan mong kaya mong agawin samin si Sehun?!" Isa-isa silang nagsilapitan at sinabunutan ang buhok mo sabay kaladkad sayo sa kung saan.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon