Chapter Seven

16.5K 640 52
                                    

Note:

Vote and comment.

Jihwanxxi

----

"Sehun??"

Namilog ang mga mata mo at halos di ka makagalaw sa kinatatayuan mo.

Masyado kang nawiwindang sa nangyayari. Kararating mo lang tapos yung ultimate bias mo agad ang nakita mo. Naman! Destiny na talaga to! Ngiting-ngiting sabi mo sa sarili mo.

Bigla namang naglakad paalis si Sehun dahilan para matauhan ka.

Syempre Utimate bias mo na papakawalan mo pa eh nasa harap mo na. Malayo nga lang at nakatalikod pero sya pa rin yun!

Dali-dali kang sumunod sakanya. May kasama syang isa pang lalaki na sa tingin mo ay manager ata nila.

Lumiko sila sa at umupo sa isang waiting lounge na walang tao. Mukhang may importante silang pinag-uusapan dahil parehong nakakunot ang noo nila.

"Pero hyung, hindi pwede" Rinig mong sabi ni Sehun.

"Sehun, may mga bagay talagang kailangang gawin kahit ayaw mo"

"Paano ang mga fans? Siguradong nasasaktan pa sila sa pag-alis ni Kris hyung at ni Luhan ja-este hyung. Pati na rin ang issue ni Baekhyun hyung tapos dadagdagan ko pa?"

Luhan ja..Jagi??

"Oh my gosh totoo ang Hunhan?!" Bigla mo namang tinakpan ang bibig mo dahil napalakas ang boses mo kaya napalingon lingon sila. Agad ka namang nagtago sa likod ng vase na nasa tabi mo. Sino ba naman kasing hindi mapapatili kapag nalaman mong totoo ang OTP mo.

Pasilip silip ka sa kanila. Nang masiguro nilang walang nakikinig sa kanila ay nagpatuloy silang dalawa sa pag-uusap. Pero dahil nasa likod ka nga ng malaking vase ay hindi mo masyadong maintindihan ang pinag-uusapan nila.

Teka nga, bakit ka ba nagtatago eh magpapapirma ka lang naman?? Sabi mo sa sarili mo kaya kinuha mo ang poster ni Sehun sa bag mo at isang marker. Palagi mong dala dala ito dahil baka bigla mo na lang makita si Sehun pero di mo naman inaasahan na ito agad yung araw na yun.

Sinabi mo sa sarili mo na kapag nagkita na kayo ni Sehun at nagkaroon ka na ng remembrance sakanya ay magmomove-on ka na. Alam mo naman kasing imposibleng magkatuluyan ang isang idol at isang fangirl. Kumbaga sa isang relasyon kahit wala kayong relasyon ni Sehun bukod sa pagiging fanzoned, ito yung kailangan mong closure para makamove on ka na at maghanap ng matinong lovelife. Sa wattpad lang naman kasi nangyayari ang ganung love story eh. Balak mo ring maglibot-libot sa Korea pagkatapos mong makita sya. Malay mo nandun pala yung lalaking para talaga sayo.

At mukhang ito na nga ang araw na yun.

Tumayo ka na mula sa pinagtataguan mo at naglakad ng diretso sa kinauupuan nina Sehun. Hawak-hawak mo pa rin ang poster nya.

Nang makarating ka sa pwesto nila ay inihanda mo na ang kamay mo para ibigay sakanya ang poster nya para pirmahan.

Magsasalita ka na sana nang biglang bumaling sayo si Manager Hyung at bigla kang tinuro.

"Siya. Siya ang babaeng pakakasalan mo"

"A-ANO?!!"


OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now