Chapter Twenty Nine

15.2K 563 48
                                    

Note:


What you're about to read in this chapter is PURELY COINCIDENTAL. I wrote this chapter last March 10, 2015. Hindi ko alam na sasakto to sa nangyayari ngayon.


Vote and comment chingus!~


-Jihwanxxi

-

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Chanyeol habang naglalakad palapit sayo. Nakasunod naman si Baekhyun sakanya.


"Ayos lang ako Oppa. Salamat" Nginitian mo na lang sila at binuksan na ang pinto ng practice room.


"Oh? Anong nangyari sainyo?" Tanong naman ni Kris nang makita ang hitsura nyong tatlo. Magulo kasi ang buhok nyo dahil na rin sa pagkukumpulan ng mga fangirls kanina at dahil na rin sa pagtakbo mo para matakasan sila. Samantalang pinagkaguluhan naman sila ng mga fangirls kanina.


"Wala hyung. Napagkaguluhan lang" Si Baekhyun na ang sumagot sakanya. Kumuha naman si Chanyeol ng bote ng tubig at uminom.


Iginala mo ang paningin mo upang hanapin si Sehun at nakita mo siyang nakaupo sa gilid habang nakaearphones. Tumabi ka naman sakanya. Mukhang napansin nya ang presensya mo kaya tinanggal nya ang earphones nya at lumingon sa gawi mo. Bakas naman ang gulat sa mukha nya nanng makita ka. Akala siguro nya kung sino lang ang tumabi sakanya.


"Kumain ka na ba Oppa? Dinalhan kita ng pagkain" Sabi mo habang inilalabas ang pagkaing dala mo. Nakatingin lang siya sayo habang ginagawa mo yun pero halatang nagpipigil ng ngiti.


"Wow. Pano kami?" Usisa ng ibang miyembro sayo.


"Ayos si maknae ah. May taga-dala ng pagkain. Pwede pahingi??" Sabi ni Chanyeol at kukuha na sana nang bigla itong agawin ni Sehun pabalik.


"Akin to hyung. Bumili ka ng iyo" Sumimangot naman si Chanyeol at tinawanan lang siya nina Kai.


"Possessive na si Sehun ngayon" Ngiting-ngiting sabi ni Chen na binibigyan ka ng makahulugang tingin.


"Hyung oh. Ang damot ni Sehun" Pagsusumbong naman ni Chanyeol kay Kris.


"Wag ka nang makisawsaw dyan. Ibibili na lang kita ng pagkain sa baba. Ang yaman yaman mo pero palamunin ka dito"


Nagsalita ang hindi palamunin.


"Hyung naman eh. Tara na nga. Tao sama ka?" Aya ni Chanyeol kay Tao na parang may pinagtataguan.


"Andyan na naman siya."


"Huh?! Sino??" Sabay-sabay naming tanong. Napalingon na rin sina Suho sakanya.


"Yung sasaeng ko na sunod ng sunod sakin. Pinagpipilitan pang hindi ko daw siya sasaeng. International fan daw siya"

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon