Chapter Nineteen

17.3K 622 85
                                    

Note:

OSHW is a part of myself. It is a piece of who I really am and I'm afraid that if Sehun finds someone for him, I might have to lose everything else.

-Jihwanxxi

--

Lutang ka pa rin sa mga nangyayari sayo kaya naman hindi mo napansing si Sehun mismo ang nagdadrive ng kotse nya. Sobrang bilis ng pagpapatakbo nya at mahigpit ang hawak nya sa manibela. Maya-maya tumigil sya sa gilid ng daan at hinampas ito.

Napaigtad ka sa sobrang gulat.

Hindi mo talaga alam kung bakit siya nagagalit sayo o kung sayo nga ba siya galit.

Akala ko ba wala siyang pakialam sakin?? Nalilito na ako. Mahina mong bulong sa isip mo. Nagtataka ka na talaga sa inaasta ni Sehun. Minsan mabait sya sayo, pag minsan sobrang cold, tapos bigla na naman siyang magagalit ulit sayo. Gulong-gulo na talaga ang isip mo. Hindi mo naman pwedeng basahin ang mukha nya dahil palagi naman siyang walang reaksyon. Kung pwede ka nga lang mag-enroll na Oh Sehun's Yehet University of Poker Face ay matagal mo nang ginawa. Dinaig nya pa si Kris sa pagiging cold.

Sinubukan mong i-analyze ang mga nangyari ngayon gamit ang utak mong once in a blue moon mo lang ginagamit dahil minsan rin lang naman gumagana dahil mahal ang maintenance. Ilang beses ka na rin naman nakipag-usap sa ibang tao pero wala naman siyang reaksyon kaya hindi mo talaga alam kung bakit ganito ang mga ikinikilos nya.

"Wala ka man lang bang sasabihin?!" Asik nya sayo kaya napatingin ka sakanya. Hinanap mo ang mga mata nya pero umiwas lang siya.

"May dapat ba akong sabihin Oppa?" Walang emosyong sagot mo. Pinipigilan mong magpakita ng kahit anong emosyon sakanya dahil ayaw mong kaawaan ka nya.

"Hindi ka man lang magsosorry?" Kumunot ang noo mo. At ikaw pa talaga ang kailangang magsorry sakanya?! Ansaya naman.

"Hindi ka man lang ba magsosorry sakin dahil kailangan ko pang sabihing asawa kita para lang bitiwan ka ng kung sino mang yun o baka naman gustong-gusto mo rin siya kaya sasama ka na lang basta sakanya kahit di mo siya kilala" Punong-puno ng pait ang pagkakasabi nya at pakiramdam mo ay napunta lahat ng dugo mo sa ulo mo.

"Una sa lahat Oppa, ikaw ang nagsabi nun, HINDI ako. At wala naman akong sinabi sayong gawin mo ang mga ginawa mo. At isa pa, ihahatid nya lang ako hanggang makasakay ako. Nakakahiya naman kasi sayo na malaman nyang mag-asawa tayo" Matalas na sagot mo sakanya habang tinitingnan sya ng masama. Natahimik naman siya sa sinabi mo.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pinasibad ulit nya ang sasakyan at lumikha ito ng nakakatakot na tunog kaya napakapit ka sa seatbelt mo. Ilang sandali pa ay nakarating na kayo sa bahay nyo.

Umikot sya sa kabilang parte ng sasakyan at mahigpit na hinawakan ang braso mo at hinila ka palabas.

"Kung inaakala mong pakakawalan kita ng ganun-ganun lang ay nagkakamali ka. Sisirain ko muna ang buhay mo bago mangyari yun" Matagal nang sira Oppa. Hindi na kailangan. Isip-isip mo.

Walang lingon-lingong sinambit nya ang mga katagang yan at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Nanghihinang napaupo ka na lang sa sofa. Pinikit mo ang mga mata mo at inisip kung paano mo ulit kakausapin si Sehun. Hindi mo naman kasi kayang magalit sakanya ng matagal at alam mong kahit magtampo ka man, hindi ka nya susuyuin.

"Oppa.. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo." Mahinang bulong mo pero narinig nya pala dahil bigla syang nagsalita.

"Eh di umalis ka na. Magfile ka na ng divorce nang matahimik ka na. Plano mo naman to diba? Ano? Nagbackfire na ba?" Nakangising sambit nya. Parang may kutsilyong humiwa sa puso mo dahil sa sinabi nya. Divorce. Oo nga naman. Mapait kang napangiti. Tuyong-tuyo na rin ang mga luha sa gilid ng mga mata mo.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon