Chapter Thirty Six

15.8K 610 85
                                    

Note:


Let's get back to business haha. You can also reach me on my  Instagram-Jihwanxxi.

Vote and comment chingus. Kamsahamnida~

-Jihwanxxi

-


Susuyuin si Sehun


Hindi susuyuin si Sehun


Kanina ka pa naglalakad-lakad sa harap ni Kris na nakahalukipkip lang at naka-Cool guy pose habang pinagmasdan kang nababaliw. Pakiramdam mo ay isa kang hamster na pinapanood nya lang dahil wala siyang magawa.


Teka bakit ikaw ang manunuyo eh siya naman yung nag walk-out at isa pa, siya lang ba ang pwedeng magtampo?! Hindi ka pa kaya nakakamove-on. Saka hindi naman ikaw ang may kasalanan ah.


"Ang arte nyong dalawa" Hindi mo pinansin si Kris at nagpatuloy lang sa paglalakad habang iniisip kung anong sunod mong gagawin. Saka hindi mo naman pwedeng iwasan si Sehun habangbuhay dahil bukod sa walang forever hashtag HindiKaBitter ay mag-asawa kaya kayo kahit 'in Sehun's words', you quote, sa papel lang.


"Teka hindi kaya narinig nya yung usapan natin?" Tanong ni Kris na nagpatigil sayo. Oo nga naman. Ba't di mo kaagad naisip yun?


"Alin yung kay Taejun?"


"Oo. Hindi kaya nagseselos si maknae?" Napatawa ka ng malakas.


"Benta sakin yung joke mo duizhang. Si Sehun? Magseselos? Heh. Asa" Imposibleng mangyari yun dahil wala namang gusto sayo si Sehun. Kahit crush wala. Ay teka ano to PBB Teens?!


Kung ano-anong kabaliwan na naman ang pumasok sa isip mo kaya si Kris na rin ang binalingan mo.


"Bakit ba kasi ayaw mong maniwala?" May bahid ng inis ang tono nya dahil hindi ka naniniwala kapag sinasabi nyang nagseselos si Se.


"Gustuhin ko mang maniwala, mahirap mag-assume." Malumanay na paliwanag mo.


"Pero pano nga kung nagseselos si Sehun? Close pa naman sila ni Taejun" Napaubo ka bigla sa narinig.


"Close silang dalawa?! Magkakilala sila?!!" Nagpapanic mong tanong.


"Oo kaya. Ngayon mo lang nalaman? Anong klaseng asawa ka? Malamang magkakilala sila kasi pareho silang ulzzang at pareho lang ang mundo at lupang ginagalawan nila" Kahit gusto mong batukan si Kris dahil parang pinapamukha nya sayong wala kang kwentang asawa ay hindi mo na lang ginawa dahil masyado ka pa ring nagulat sa sinabi nya.


"Seryoso? Alam kong ulzzang sila pero ngayon ko lang nalaman na may interaction pala talaga sila" Hindi makapaniwalang wika mo.


"Akala ko ba ikaw ang number one fan ni Sehun? Ba't di mo yan alam?" Nang-aasar na sabi nya sayo. Natigilan ka sa sinabi ni duizhang. Tumingin ka sa mata nya at umupo sa harap nya.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon