Chapter Sixty Four

13.2K 567 484
                                    

Note:

Happy New Year! Early update hahaha. Vote and comment chingus!~ I'm still editing the manuscript for OSHW

-Jihwanxxi

--

"Pasok" Sa wakas ay nakabawi na ang mga magulang mo. Masamang tingin ang ipinupukol mo kay Sehun na nakangisi lang at hindi ka man lang tinatapunan ng tingin.


Gusto mong lamunin ng lupa. Kailan pa sya natuto magFilipino?! Ibig sabihin, alam nya rin kung anong ibig sabihin ng gago? Bwisit ka talaga Oh Sehun, ginawa mo akong uto-uto! O baka akala nya synonyms ang gwapo at gago. Psh, di bale na nga. Nakasimangot at masama ang tinging ipinupukol mo kay Sehun pero mukhang wala syang pakialam.



"Bigyan mo siya ng pagkain" Utos ng nanay mo at kahit gustong-gusto mo lagyan ng zonrox ang iinumin ni Sehun ay sumunod ka pa rin.



"Sinabi mong asawa mo ang anak ko?" Alanganing tanong ng tatay mo na parang hindi pa rin sigurado kung nananaginip sya o totoong nasa harap nya ang lalaki sa poster mo. Pero ano bang pinagsasasabi ni Sehun? Bakit ba kasi sya nandito?


"Opo." Magalang na sagot ni Sehun. Umismid ka naman.



"Pero, paano?"



"Sa Korea po kami nagpakasal. Almost nine months ago" Tumaas ang kilay mo. At nakipagdivorce ako sakanya almost three months ago. Gusto mong idagdag pero mas lalo silang maguguluhan.



"Bakit?"



"Huh? Anong bakit po?" Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin makapaniwalang marunong magtagalog ang bulol na to. Ang alam mo ay salamat at mahal kata lang ang alam nya sa lenggwahe mo. Mali pa nga yung pangalawa.



"Bakit mo pinakasalan ang anak ko? Hindi ka ba nya pinikot? Kinidnap? Nilagay sa sako?"



Namula ka sa sobrang kahihiyan. Magulang ko ba talaga to?! Nakakatouch ha. Parang gusto mong lumubog sa sobrang kahihiyan lalo na nang tumawa ang hinayupak.



"Muntik na po" Bigla kang nasamid sa sinabi nya at pinigilan mo ang sarili mong ibato sakanya ang hawak mong throw pillow.



"Sigurado ka bang pinakasalan mo ang anak ko? Wala ba siyang pinainom sayo bago ka pumayag?" Anak ng! Iniisip ba nilang ginayuma mo si Sehun?! Aba talaga naman.



"Wala naman po" Naguguluhang sagot ni Sehun. Hindi pa ata to nakakarating sa Quiapo.

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now