Chapter Forty Four

14.7K 614 170
                                    

Note:

Bakit di nyo kilala si Iridescent Boy? HAHAHA. Happy 143K!~

-Jihwanxxi

--

Nagising ka sa pagkakatulog mo sa sofa nang marinig ang pagkumpas ng mga susi ni Sehun mula sa labas pero napapitlag ka sa pabagsak na pagbukas nya ng pinto. Tiningnan mo ang relo at nakita mong pasado alas tres na ng umaga. Kanina mo pa hinihintay umuwi ang asawa mo kaya nakatulog ka sa sofa dahil sa paghihintay sakanya.


"Sehun-ah? Kumain ka na ba?"


Pupungas-pungas na tanong mo sakanya habang kinukusot ang mga mata mo. Hindi ka nya sinagot kaya sinilip mo sya. Nahanap mo ang sarili mong nakatingin sa pamilar na talas ng mga mata. Tumayo ka at lumapit sakanya. Nakasandal sya sa pader habang abala sa pag-alis ng tali ng sintas nya.


"Sehun Oppa?" Hindi ka pa rin nya pinapansin at patuloy lang sya sa sintas nya. Tinabihan mo sya at bahagya syang napapitlag nang maramdaman ang kamay mo sa balikat nya.


"Kumain ka na ba?" Pag-uulit mo.


"Hindi pa" Walang ganang sagot nya sayo.


Muli mong sinipat ang relo at nakitang mag-aalas kwatro na ng umaga. Hindi naman ito ang unang beses na umuwi si Sehun ng umaga pero kadalasan ay umuuwi sya ng alas dose ng gabi. Mukhang mas todo ang practice nila ngayon.


"Gusto mo bang initin ko yung hapunan?"


"Para san pa? Gigising lang naman ako pagkatapos ng tatlong oras at kakain ng agahan" Maanghang nyang sagot sayo at nagulat ka sa tono ng boses nya. Bumabalik na naman ang dati nyang pagtrato sayo at nasasaktan ka sa ginagawa nya ngayon.


Kinagat mo ang labi mo upang pigilan ang emosyon mo.


"Oppa" Pagsimula mo. "Alam kong nahihirapan ka sa mga practice nyo-"


"Wala kang alam" He spat. Bahagya kang napaatras.


"Eh di ipaliwanag mo sakin para maintindihan ko" Malumanay mong wika.


"Kahit malaman mo pa, wala kang magagawa!" Nagulat ka sa bigla nyang pagsigaw at patapong inalis ang sapatos nya.


"Gusto lang naman kitang tulungan!" Tumaas na rin ang boses mo.


"Kahit sabihin ko sayo, wala kang magagawa tungkol dun! Problema ko to kaya kaya ko na to"


"Hindi na lang sayo ang problema mo. Problema ko na rin to dahil asawa mo ako! Nasasaktan ako kapag nakikita kitang nahihirapan."


"Palagi namang tungkol sayo diba?!" Sigaw nya habang tumatayo. Tumayo ka na rin at sinundan siya papunta sa kusina.


"Wala akong sinabing-"


"Hindi mo kailangang sabihin! Gusto mo na akong palitan ano?!"

OH SEHUN'S WIFEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz