Chapter Seventy Two

13.7K 636 192
                                    

Note:

This is the last chapter of OSHW. Thank you for making it this far/cries Han River/ Epilogue next.

-Jihwanxxi

--

"Aegi! Aegi! Nandito na ko!" Narinig mo ang mga yabag ni Sehun papunta sayo. Hindi mo sya pinansin.

"Ae-gi?"

Nag-angat ka ng tingin at nakita mong nagliwanag ang mga mata nya pagkakita sayo. Agad syang lumapit at yumakap sayo.

"Namiss kita! Nakakainis sina hyung. Ang ingay nila" Nakanguso nyang sabi. Nanatiling blanko ang mukha mo.

"Oh ba't ganyan ang mukha mo?" Nagtatakang tanong nya. Hinawakan nya ang baba mo at inangat para makita nya ang mukha mo.

"Diba bati na tayo? Ba't parang di ka masaya?" Tinitigan mo sya.

"Mahal mo ba talaga ako?" Malungkot mong saad.

"Naman!" Mabilis nyang sagot. Inirapan mo sya.

"Kung ganun bakit nakikipaghalikan ka na naman sa iba?!" Mataray na tanong mo. Inismiran mo pa sya. Hindi nakaimik si Sehun. Nakita mo ang kanyang pagputla.

"Aegi.."

"Ano ba talaga Sehun? Akala ko ba okay na tayo? Tama ba talagang naniwala ako sayo? Tapos malalaman kong nakikippaghalikan ka na naman sa iba?!"

"P-papano mo nalaman?"

Kinuha mo ang cellphone mo at binato sakanya. Sinalo nya naman ito at nilapit sa mga mata nya.

"Aegi.." Kinakabahang sambit nya.

"Wag mo kong ma-Aegi Aegi! Niloloko mo lang ako! Inuuto mo na naman ako!"

"Hindi totoo yan"

"Eh ano yan?!" Inihilamos mo ang kamay sa mukha mo habang sunod-sunod ang pagtulo ng luha mo. Nang sinilip mo si Sehun ay nakita mo syang nakatayo. Nagtatagis ang kanyang bagang. Muli nyang kinuha ang cellphone mo at binura ang picture.

"Putangina. Tangina talaga. Damnit!" Sunod-sunod na mura nya. Napangiwi ka. Lumapit sya sayo at hinawakan ang mga balikat mo. Tiningan ka nya ng mataman.

"Kapag ba sinabi ko sayong walang ibig sabihin ang picture na iyon, maniniwala ka ba?"

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now