Chapter Eight

17.7K 720 97
                                    

Note:

Vote and comment guyth. Basahin nyo rin pala yung isa kong story, Blank Space. One-Shot lang siya. Nasa external link. Kamsahamnida~

-Jihwanxxi

---

"Mag-empake ka" Sabi ni Sehun sayo sabay pasok sa kwarto mo.

"H-huh?!"

"Ang sabi ko mag-empake ka kundi iiwan kita dito" Masungit na sabi nya sabay labas.

Saan kaya kami pupunta??

Ayaw mo namang iwan ka nyang mag-isa sa bahay nyo kaya nagtataka man ay nag-empake ka na lang. Ito ang unang beses na niyaya ka ni Sehun kahit hindi ka naman talaga nya niyaya at inutusan ka lang nya ay achievement pa rin yun!

Wala siyang sinabi kung hanggang kailan kayo sa pupuntahan nyo kaya nilagay mo na lang lahat ng pwedeng magkasya sa bag mo.

--

"Tara na" Kaswal na sabi nya at tumango ka na lang. Pumasok na kayo sa kotse at mas lalo kang nagtaka pagkapasok nyo.

Hindi namin kasama ang EXO?

Saan kaya kami pupunta?

Gusto mong itanong yan pero baka sigawan ka lang nya kaya mas piinili mong manahimik na lang. Hindi mo naman kasi ipinagsisiksikan ang sarili mo sakanya araw-araw eh. Alternate days lang hehe.

Masyadong tahimik ang paligid. Walang nagsasalita sainyong dalawa. Kayong dalawa lang naman ang tao sa kotse maliban sa driver na nasa unahan. Hindi pa kasi masyadong marunong si Sehun magdrive kaya may driver kayo.

Kahit 'magkatabi' kayo ni Sehun ay malaki pa rin ang pagitan sa inyong dalawa. Nasa magkabilang dulo kayo nakaupo at kahit kanina mo pa gustong-gustong tumabi sakanya at yakapin siya ay natatakot ka sa magiging reaksyon nya.

Pinili mo na lang tumingin-tingin sa labas ng bintana para maiwasan mong madistract sa gwapong mukha ng asawa mo.

"Sa pagkakaalam ko wala naman akong nakakahawang sakit kaya bakit ang layo-layo mo sakin?!" Muntik ka nang mahulog sa upuan mo nang biglang magsalita si Sehun.

"Ha? Ah..Eh.." Hindi mo alam kung anong isasagot mo sakanya. Alangan naman sabihin mong iniiwasan mo siya dahil baka pagsalitaan ka na naman nya.

"Lumapit ka nga dito. Baka isipin nila minamaltrato kita"

Bakit hindi nga ba?! Pabalang mong sagot sa isip mo pero mas pinili mong itikom yang bibig mo at alanganing umusog sa tabi nya.

Pagkatapos nun ay wala na ulit syang sinabi kaya mas lalo kang nailang. Tumingin ka na lang sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga dinadaanan nyo.

Maya-maya ay naramdaman mo na lang ang pagbigat ng talukap ng mga mata mo hanggang sa unti-unti kang nakatulog.

**

Nagising ka nang naramdaman mong may mabigat na bagay na nakadagan sayo. Ramdam mo ring tumigil na sa paggalaw ang sasakyan.

Andito na ata kami.

Dahan-dahan mong binuksan ang mga mata mo at muntik ka nang mapasigaw nang makita mo kung ano este kung sino yun.

Hindi mo alam kung anong dapat mong gawin. Maabutan mo ba naman ang sarili mong nakadagan sa balikat ni Sehun habang nakasandal naman ang ulo nya sa ulo mo.

Itutulak ko ba sya palayo? Pero baka magising sya! Sigaw ng isip mo.

Hayaan ko na lang kaya?

Abala ka pa rin sa pag-iisip ng kung anong dapat mong gawin nang bigla mong naramdaman ang marahan nyang paggalaw.

Agad mong ipinikit ulit ang mga mata mo.

Mahirap na, baka maabutan ka nyang gising at sabihin na namang plinano mo ang lahat ng ito. Wala ka pa naman sa mood magpakamartir ngayon.

Naramdaman mo ang bahagya nyang paggalaw at inalis na rin nya ang pagkakasandal sayo.

Makakahinga ka na sana ng maluwag pero biglang nanigas ang likod mo nang maramdaman mo ang marahan nyang paghaplos sa buhok mo.

Pagkatapos ay dahan-dahan ka na nyang pinahiga sa sofa ng kotse at narinig mo ang pagbukas ng pinto pero bago siya lumabas ay bigla ka nyang hinalikan sa noo na siyang nagpayanig sa buong mundo mo. Halos mabingi ka na rin sa lakas ng kabog ng puso mo.

Sehun ano bang nangyayari sayo??


OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now