Chapter Thirty Five

15.2K 676 215
                                    

Note:


Pambawi. Wag na kayo magalit kay Sehun ples HAHA. Pabebe lang talaga siya XD Pasukan na naman pero wala pa akong gamit haha.


Vote and comment chingus!~


-Jihwanxxi


-


SEHUN


Dire-diretso akong nagdrive pabalik sa bahay. Mabuti na lang talaga at dala ko ang kotse ko kanina. Pagkarating ko sa bahay ay agad kong pinark ang kotse at dire-diretsong pumunta sa kwarto ko at sumalampak sa kama. Sinubukan kong matulog pero biglang lumitaw ang imahe ng babaeng yun habang kasama si Kris hyung. Bigla kong nabato ang unan ko.


"Nakakainis!" Umupo ako sa kama at sinabunutan ang buhok ko. Narinig ko ang usapan nila kanina ni Kris hyung. Alam ko naman kasing dumating na sila at mas lalo akong nainis nang makitang hindi man sila nagsabi na dumating na sila at talagang sa kwarto pa sila ni Kris hyung dumiretso.


Teka ano bang pakialam ko? Ano naman kung may gawin sila dun sa loob ng kwarto? Wala dapat akong pakialam pero naiisip ko pa lang ang pwede nilang gawin sa loob ng kwarto ni Kris hyung ay parang gusto ko nang pasabugin ang buong dorm.


"Arghh!"


Ni hindi ko pa nga alam kung pano masolusyunan yung bwisit na sasaeng na sunod ng sunod sakin tapos dumagdag pa siya. Ni hindi ko nga alam kung pano sya nakapasok sa practice room nung araw na yun at ang lakas ng loob nyang halikan ako! Kung hindi lang ako nagulat nun ay binato ko na siya sa labas ng bintana. Kadiri bwisit.


**


Mag-isa akong nagpapractice ng bagong choreography ng EXO para sa live performance sa Gayo Daejun. Umalis kanina sina Tao at Kai para bumili ng tubig. Pumunta ako sa stereo at pinatugtog ang bagong version ng Tell Me What Is Love.


Patuloy pa rin ako sa pagsayaw nang marinig kong bumukas ang pintuan at dahil nakatalikod ako sa pinto ay hindi ko napansin kung sinong pumasok. Nakatalikod rin ako sa salamin kaya hindi ko talaga maaaninag kung sino yun. Hindi ko na lang pinansin dahil akala ko sina Tao at Kai lang yun pero laking gulat ko nang may biglang dumamba sa likod ko.


Hinarap ko ito para sawayin pero naputol lahat ng sasabihin ko nang biglang may humalik sakin. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Napaatras pa ako.


Leche sino ba to?!


Alam kong hindi ito ang asawa ko dahil kahit naman sasaeng ko yun ay hindi ko pa yun nakitang maging agresibo. At iba ang pabangong gamit nya. Hindi katulad ng isang to na parang panglalaki ang amoy. Allergic pa naman ako sa mga ganitong pabango.


Dahil sa gulat ko ay hindi muna ako nakagalaw. Nang matauhan ako ay buong pwersa ko siyang tinulak kaya natumba siya sa sahig. Tiningnan ko siya at nakilala ko agad kung sino ito.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon