Chapter Twelve

16.8K 612 159
                                    

Note:

Early Update. Thank you sa 2.4K reads . #412 siya sa FF. Kamsahamnida!~

Dedicated sa isa sa mga consistent readers ng OSHW. Matagal na kitang napapansin. Thank you for reading!

Comment and Vote chingus!

xoxo

Jihwanxxi

--

"Bilang magiging asawa ni Sehun, syempre dapat kilala mo ang mga magulang nya at ang mga nakapaligid sakanya. Pero dahil andito ka na rin lang naman, unahin na natin... ang EXO" Nakangisi pa ring sabi ni Manager Hyung habang naglalakad kayo papunta sa elevator. 'Pasuspense pa sya eh halata namang dun kami pupunta'. Bulong mo sa isip mo.

Pero kahit naman alam mo nang dun kayo papunta, di mo pa rin maiwasang hindi kabahan. Makikita mo na rin silang lahat ng personal. Buong buhay mong pinangarap to kaya naman hindi ka pa rin makapaniwalang nangyayari na talaga to.

Pero mas masaya sana kung kasama sina Kris at Luhan..

--

Maya-maya pa ay nakarating na kayo sa labas ng dorm nila. Huminga ka ng malalim bago sumunod kay Manager Hyung papasok.

Napatingin sayo ang limang pares ng mga mata at lahat sila ay napatigil sa kani-kanilang ginagawa. Napalingon ka naman kay Sehun na nakabusangot pa rin ang mukha.

"Hyung, sino siya?" Si Suho na ang naglakas loob magsalita. Mukha kasing nalunok na nung iba yung dila nila.

"Siya yung babaeng tinutukoy ko. Yung mapapangasawa ni Sehun" Sagot naman ni Manager hyung

Halos lumuwa ang mga mata nila at napanganga pa sila.

"Ikakasal si Sehun?!!" Sabay-sabay nilang sigaw. Oo sigaw, halos mabingi ka nga sa lakas ng boses nila. Si Tao lang ata yung hindi sumigaw. Tili kasi yung sakanya.

Affected much?! Kung hindi mo lang talaga sila kilala eh iisipin mong totoo talaga ang Taohun ship mo.

"Kasasabi ko lang diba? Kelangan ulit-ulitin?!" Pilosopong saad naman ni Manager hyung.

Kung hindi mo lang napapansin ang masasamang tingin na ibinibigay sayo ni Sehun ay baka kanina ka pa natawa. Pilosopo din pala siya.

"Hi. Ako Chanyeol! Ako Chanyeol!" Nagulat ka nang biglang tumalon sa harap mo si Chanyeol at nakangiting parang walang bukas. Nakalabas pa lahat ng ngipin nya.

"Alam ko Oppa" Natatawang sabi mo. Hindi mo na mapigilan. Natatawa ka na talaga. Tumatalon-talon pa siya sa harap mo na parang bata.

"Wow. Kilala mo ako?" Amaze na amaze na tanong niya. Ang cute lang!

"Tanga-tangahan Yeol?!" Pambabara naman ni Baekhyun sakanya. Uy Baekyeol.

"Manahimik ka! Hindi ikaw ang kausap ko! Kunin ko yang eyeliner mo eh" Balik-sagot naman ni Chanyeol sakanya. Inirapan lang siya ni Baek.

"Saan ka nakatira?"

"Ilang taon ka na?"

"Tao ka ba?"

Sunod-sunod nilang tanong habang nakapalibot silang lahat sayo. Natatawang sinagot mo naman sila.

"Sa Pilipinas ako naka--" Hindi mo na natapos ang sasabihin mo nang umepal na naman si Chanyeol.

"Wow. Filipina ka pala? Alam mo kung saan ang Tagaytay? Pwede mo ba akong dalhin dun? Magpopropose na ako kay Dara-noona!" Binatukan naman siya ni Baekhyun.

"Tanga! Eh hindi nga kayo tapos magpopropose ka agad?!" asik sakanya ni Baek

"Ano bang pakialam mo ha?!" Sigaw ni Yeol sabay irap.Hahaha.

"Nagseselos ka lang eh" Pabulong nya pang sabi.

"May sinasabi ka Chanyeol?" Mataray na sabi ni Baekhyun sakanya.

"May narinig ka ba??" Sagot ulit ni Yeol.

"Manahimik nga kayong dalawa! Naririndi ako sa boses nyo. Para kayong mga babae" Pinagalitan naman sila ni Manager hyung kaya natahimik silang dalawa.

"Ilang taon ka na?" Tanong ni Kai. Sasagutin mo na sana siya nang biglang nagsalita si Lay.

"Tao ka ba?" Lahat napatingin sakanya sabay face palm. Anong klaseng tanong yan?! Hindi ba halata?

"Baka hyung. Ewan. Di ko sure." Pokerface na sagot naman ni Chen sakanya. Najongdae ata si Lay kaya nanahimik na lang.

"Ewan ko sainyo" Nakasimangot na sabi ni Sehun sabay pasok sa kwarto niya at padabog na sinara ang pinto.

**

"Do you still keep in contact with EXO?" Kasalukuyan kang nanonood ng interview ni Kris para sa pelikula nyang Somewhere Only We Know. Wala namang ibang tao sa sala kaya malaya kang nakakanood. Umalis kasi kanina ang buong EXO. May photoshoot ata para sa High Cut.

Mula nang ipakilala ka ni Manager Hyung bilang 'fiancee' kuno ni Sehun ay dito ka na tumira sa dorm nila. Nakuha mo na rin ang schedule mo. Tuwing MWF lang ang klase mo at tuwing hapon lang din ito. Kung bakit, hindi mo rin alam. Sinubukan mo rin namang alamin pero naubos lang ata ang dugo mo kakanosebleed dahil masyadong malalim ang mga Korean na ginamit sayo. Nananadya ata.

"We? Eh. I would like to keep that in private" Sagot naman ni Kris sa nag-iinterview sakanya.

"Kris-hyung talaga, masyadong pashowbiz eh kausap pa nga lang namin siya kanina." Napatalon ka sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod mo.

Napalingon ka bigla at nakita mo si Baekhyun sa likod mo. Pero hindi siya nag-iisa, kasama lang naman nya ang buong EXO, hindi pala buo kasi wala si Luhan at si Kris pero nakapalibot silang sampu sayo at nakikinood rin ng pinapanood mo.

At kelan pa sila napunta dyan?! At bakit hindi mo man lang narinig na pumasok sila?

"Ginamit nila yung teleportation skills ko" Biglang nagsalita si Kai.

"Huh?!"

"Ang sabi ko nagteleport kami kaya kami nakapasok dito. Hahaha joke lang. Sa bintana kami dumaan"

Mas lalong kumunot ang noo mo. Siya lang ata ang nakagets sa sarili nyang joke.

"Uwe!" Sabay-sabay nilang sabi kay Kai pwera na lang kay Kyungsoo.

"Wag nyo ngang ginaganyan si Kai" Saway nya sa mga ito.

Waaah! Kaisoo is sailing. Yung OTP mo.

Pinagmasdan mo sila at nakita ang pag-aasaran nila. Kitang-kita kung pano nila pahalagahan ang isa't-isa. Napangiti ka na lang ng wala sa oras.

Ang saya nila. At ang sarap isipin na kahit hindi ka pa nila gaanong kilala ay mainit ang pagtanggap nila. Masaya kang nakilala mo sila. Lalo na at pinangarap mo lang naman na makita sila noon pa. Nakakatuwang isipin na unti-unti mo nang nakakamit ang mga simpleng pangarap ng isang fangirl. Meron lang na mumunting hiling na bumabagabag sa puso mo.

Sana maging ganito rin ang trato sayo ni Sehun.


OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon