Chapter Forty Two

14.8K 602 158
                                    

Note:

See you on August 15.

-Jihwanxxi

--

Hindi ka pa rin mapakali habang nagdedesisyon kung sasabihin mo ba sakanya yung natanggap mong mensahe o hindi. Kahit papano ay karapatan pa rin naman nyang malaman yun dahil sya ang asawa mo at aminin mo man o hindi, sya ang dahilan nito kaya kahit hindi mo gustong idawit ang pangalan ni Sehun, hindi mo iyon maiiwasan sapagkat kasali sya sa gulong pinasok mo.

Pero hanggat maaari, hindi mo na muna ito ipapaalam sakanya. Susubukan mo munang lutasin ito sa sarili mo. Hindi ka na muna manghihingi ng tulong sa iba hanggat kaya mo pa. Isa pa, masyado nang nakakahiya kina Suho at Manager Hyung at malaki na rin ang utang na loob mo kay Kris dahil sa dami ng tulong na binigay nya sayo. Hindi maaatim ng konsensya mo na idamay pa sila rito. Kasalanan mo naman ito dahil hindi mo pinag-isipan ng mabuti ang mga desisyon mo at nagpadala ka lang sa bugso ng damdamin mo.

Hindi. Hindi pwedeng malaman ni Sehun ang tungkol dito. Magkakagulo ang fandom. Ayoko.

Kanina ka pa nakaupo sa terrace ng bahay nyo at pinag-iisipang mabuti kung ano ang gagawin.

Pag nalaman nilang nagpakasal si Sehun, iiwan rin nila si Sehun katulad ng pag-iwan nila kay Baekhyun noon. Tatalikuran rin siya katulad ng pagtalikod nila kay Tao. Marami pang pangarap si Sehun. Tama nang sinira ko na yung isa, ayokong idamay pati ang career nya. Hindi kakayanin ng konsensya ko ang alisin sakanya lahat ng pinaghirapan nya.

Sa sobrang pag-iisip mo ay hindi mo namalayang umiiyak ka na pala. Inis mong pinahid ang mga luha sa mga mata mo pero masyado silang pasaway at hindi magkamayaw sa pagtulo. Masyadong mabigat ang pakiramdam mo at hindi mo na alam kung ano ang pwede mong gawin nang hindi masasaktan si Sehun.

Okay lang na ako yung masaktan. Ako na lang yung saktan nila. Wag na si Sehun. Wag lang si Sehun.

Love knows no boundaries at kung may natutunan ka man sa pagmamahal mo kay Sehun, yun ay ang pagmamahal ay hindi limitado sa kung ano ang kaya mong ibigay. Hindi ito basta bastang nasusukat sa dami ng alam mo sakanya kundi sa kung ano ang mga kaya mong isakripisyo para sakanya.

Hindi rin ito nasusukat kung gaano kayo katagal na nagkakilala dahil minahal mo si Sehun bago pa man kayo magkakilala.

Biglang nanigas ang likod mo nang may yumakap sayo mula sa likuran. Amoy pa lang alam mo nang si Sehun yun. Isinandal nya ang baba nya sa balikat mo. Buti hindi ka nasugatan.

"May nangyari ba?" Tanong nya sayo pero umiling ka lang. Alam mong hindi sya naging kumbinsido sa sagot mo base sa tingin na binibigay nya sayo pero nanatili lang rin syang tahimik at tila nakikiramdam.

"Sehun-ah" Tawag mo sakanya. Mas naging tensyonado ang katawan mo nang maramdaman ang hininga nya sa leeg mo habang nakabaon ang ulo nya sa leeg mo. Mabuti na rin na hindi sya nakipagtalo sa tawag mo sakanya. Wala ka na ring lakas para kumontra.

"Hmm?"

"Anong gagawin mo pag nawala ako?" Tanong mo bigla sakanya at ramdam mong natigilan din sya. Inangat nya ang ulo nya at tumingin sa malayo. Pinagmasdan mo lang ang perpekto nyang mukha. Kumunot ang noo nya.

"San galing yan?" Mataman ka nyang tiningnan habang naghihintay ng sagot.

"Wala lang. Sagutin mo na lang."

"Sa totoo lang, hindi ko alam" Sagot nya at aaminin mong nasaktan ka. Akala mo pa naman ay sasabihin nya sayong hahanapin ka nya pero mukhang malabong mangyari yun dahil wala naman syang nararamdaman para sayo. Parang pinipiga ang puso mo dahil sa katotohanang yun at napagtanto mong kahit pala iisa na lang ang lupang tinatapakan nyo ni Sehun at kahit sobrang lapit mo lang sakanya, ramdam mo pa rin ang malaking agwat na namamagitan sainyong dalawa.

Para syang Spratly's at ako ang Pilipinas. Kahit sobrang lapit namin sa isa't-isa, di ko parin masabing akin sya.

"Bakit mo natanong? Aalis ka ba?" Kunwa'y wika nya. Binigyan mo lang sya ng pilit na ngiti.

"Hindi naman. Natanong ko lang. Malulungkot ka kaya pag umalis ako?" Tanong mo habang nakatingala sa kalangitan. Nakita mo ang unti-unting pagdilim ng paligid dahil sa nagbabadyang pag-ulan,

Hindi sumagot si Sehun sa tanong mo at parang hinihiwa ng kutsilyo ang puso mo. Silence doesn't always mean a yes, it may also mean a no but it's better left unsaid. Siguro ay hindi nya kayang sabihin ng harap-harapan sayo na magiging masaya sya pag wala ka na dahil sa wakas, malaya na sya.

Ngayon mo napagtanto kung gaano sya kalayo sayo. May pader na humaharang sainyong dalawa at magkaiba ang mundong ginagalawan nyo. Yung tipong kahit ang lapit nyo sa isa't-isa ay nararamdaman mo pa rin ang distansya. Kapareho ng nararamdaman mo nung nasa Pilipinas ka pa lang at ilang milya ang layo nya sayo.

Yung kahit nasa iisang bahay lang kayo, yun pa rin ang nararamdaman mo. Akala mo pa naman ay ayos na. Na unti-unti na syang bumubukas para papasukin ka sa buhay nya, hindi pa rin pala.

Ang sarap kasing umasa, lasang tanga.

Buong akala mo ay may pag-asa ring mahalin ka pabalik ni Sehun pero imposible nga pala yun. Paulit-ulit na lang ganito ang nangyayari at lahat ng paulit-ulit na umaasa ay mayroon ring kapaguran.

Kumawala ka sa yakap ni Sehun at iniwan syang mag-isa. Pumasok ka sa loob ng kwarto mo at niyakap ang unan mo.

Unti-unting tumulo ang luha mo at kumawala ang kanina mo pang pinipigilang paghikbi.

Siguro ay may mga bagay talagang hanggang tingin ka na lang. At kahit unti-unting nadudurog ang puso mo dahil sa sakit, kailangan mo itong tiisin. May mga bagay kasi na ipapakita lang satin, pwede nating pangarapin pero hindi mapapasatin. At may mga taong ipapahiram lang satin tapos kung kelan tayo nasanay na andyan sila, saka sila babawiin.

Nang dahil sa kagustuhan mong angkinin si Sehun ay nakalimutan mong may sarili din syang buhay, may sarili din syang pangarap na kailangang tuparin.

Wala kang karapatang humingi ng kahit konting pagmamahal sakanya dahil ninakaw mo ang kasihayan na dapat sakanya kaya ngayon kasiyahan mo naman ang ipagkakait sayo.

Alam mo naman yun pero hindi mo pa ring maiwasang masaktan dahil umasa ka. Umasa ka na kahit konting puwang sa puso nya ay nabigyan ka na nya pero tama sila, marami ang namamatay sa maling akala.

Tutal sanay ka na rin naman sa mga pamabalewala sayo ni Sehun, siguro ito na rin ang tamang oras para sanayin mo ang sarili mong wala sya sa buhay mo.

Dahil mas pipiliin mong umalis sa buhay nya at ibigay ang kalayaan nya para lang maprotektahan ang lahat ng pinaghirapan nya.


OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now