Chapter Thirty Seven

16.1K 721 262
                                    

Note:

One of OSHW's best chapters hahaha. This is one of my favorites. Don't forget to vote and comment~ Kamsahamnida!~

-Jihwanxxi


-


"Kris!"


Tawag mo mula sa kusina. Kanina ka pa tumatalon-talon pero hindi mo pa rin maabot yung spaghetti na nasa taas ng shelf. Masyado kasi itong mataas kaya hindi mo lubusang maintindihan kung pano nakakapagluto dito si Dyo. Nagpresenta ka kasing magluto ng kimchi spaghetti. Tatlong araw mo na ring iniiwasan si Sehun at alam mong napapansin na nila yun.



"Yo~" Sumilip si Kris sa may pintuan. Nakita mo namang dumaan si Sehun at tiningnan kung anong nangyayari pero hindi mo siya pinansin.



"Hindi ko maabot yung spaghetti, pwede mo bang iabot sakin?"



"Magpatangkad ka na kasi" Natatawang sabi nya at nginusuan mo sya.



Lumapit sya sayo at pinulupot ang isang kamay sa bewang mo upang bumalanse habang inaabot nya ng isang kamay yung spaghetti. Tiningala mo sya at ngumiti nang inabot nya sayo ang spaghetti.



"EHEM" Rinig mong tikhim ni Sehun pero hindi mo man lang siya tinapunan ng tingin. Nakita mo ang pagbusangot nya sa gilid ng mata mo. Inalis ni Kris ang hawak nya sayo at ginulo ang buhok mo.



"Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka pa"



"Salamat!"


-


Pagkatapos mong magpatulong magluto kay Dyo ay inihain mo na ang pagkain. Lumapit ka kay Tao dahil mag-isa lang siya sa sulok. Pinag-awayan kasi nila ni Kris si Ace. Binantaan kasi ni Tao si Kris na iwuwushu nya si Ace kapag di sya nito binilhan ng Gucci, ayun nagalit. Hindi na daw siya kahit kailan makakalapit kay Ace. Lalo tuloy nagtampo ang panda.



"Kumain ka na ba Oppa?" Tanong mo sa kanya pero umiling lang siya kaya nginitian mo siya at binigyan ng pagkain.



"Yah. Bakit hindi ako ang inaasikaso mo?" Nakangusong tanong ni Kai. Nginitian mo naman siya.



"Sorry Oppa. Sa susunod ka na lang" Nakabelat mong sabi mo sakanya at nag-asaran kayong tatlo.



Abala ka sa pakikipag-usap kay Tao nang bigla mong narinig ang tanong ni Baekhyun kay Sehun.

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now