Chapter Two

25.8K 781 100
                                    

JiHwan's Note:

Flashback yung Italicized.

--

Napapitlag ka nang biglang itapon ni Sehun ang pagkaing buong hapon mong pinaghirapan para sakanya. Hindi ka marunong magluto pero dahil gusto mong magustuhan ka kahit konti ng asawa mo ay pinilit mo pa ring magluto kahit nagkasugat sugat na ang mga kamay mo dahil di ka marunong maghiwa masyado.

"Are you trying to kill me?! You call this food? Wala ka na bang ibang alam gawin kundi gawing miserable ang buhay ko?!" Galit na tanong ni Sehun sabay akyat sa kwarto nya.

Ipinikit mo na lang ang mga mata mo dahil sa mga nagbabadyang luha sa mga mata mo. Ganito naman siya palagi sayo. Simula nung ikasal kayo ay wala syang pakialam at palagi ka nyang sinisigawan. Umuuwi naman sya ng maaga pero madalas ay hindi ka nya tinatapunan ng tingin at dumidiretso na lamang sya sakanyang kwarto.

Tinitiis mo na lamang ito dahil alam mong kasalanan mo. Kasalanan mo dahil hindi ka naman talaga nya gusto. Kasalanan mo dahil sa sobrang pagmamahal mo sa bias mo ay pinilit mo syang magpakasal kayo kahit di ka naman nya gusto.

Announcement:

To all interested students who are willing to be an exchange student to Korea, please submit the following details:

Birth certificate

Passport

Parent's permit

General Average of 93+grades not lower than 85 in all subjects

Good moral character

Certificate of Foreign Language Classes

Apply now and get the chance to be an exchange student in Seoul, South Korea for at least 6 months.

--

Halos lumuwa ang mga mata mo nung nakita mo ang Announcement sa bulletin board nyo. Ito na ang pagkakataon mong makita si Sehun!!!

Dahil sa nakita mo ay napagdesisyunan mong mag-aral ng mabuti para makatungtong sa Korea. Aba, ilang taon ka ring nangarap na makapunta roon pero ngayon ka lang nagkaroon ng pagkakataon at sinisiguro mong di mo na pwedeng palagpasin ito. It's now or never.

"Sehun??" Katulad ng ginagawa mo gabi-gabi ay nandito ka na naman at naghihintay sa labas ng kwarto ni Sehun. Kahit alam mong di ka nya sasagutin ay patuloy ka pa ring umaasa na baka sakaling sumagot sya.

Napabuntong hininga ka. Ano ba yan. Ang tigas ng ulo mo. Alam mo namang di ka nya sasagutin eh. Tingnan nga di nya magawa sagutin pa kaya.

Kinuha mo na lang ang spare key sa kwarto mo at binuksan mo ang kwarto ni Sehun. Dahan dahan kang naglakad papalapit sakanya at pinagmasdan sya habang mahimbing na natutulog. Alam mong magagalit sya pag nalaman nyang pati kwarto nya ay pinapakialaman mo na rin pero hindi mo pa rin maiwasan. Mahal mo eh.

"Sehun, sana mapatawad mo ako sa pamimilit ko sayo. Hayaan mo nalang muna akong maging masaya. Konting tiis na lang at kasiyahan mo naman ang ibibigay ko sayo"

Sabi mo at binigyan sya ng halik sa noo bago mo tuluyang nilisan ang kwarto.


OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now