Chapter Fifty Six

13.8K 556 149
                                    

Note:

The reactions from the previous chap were somehow... unexpected haha. Belated Happy Anniversary EXO F!

-Jihwanxxi

--

"Sinusundan kita"



"H-ha?"



"Gusto kita. Matagal na rin akong naghihintay. Alam kong wala na kayo ni Sehun. Nandito ako para humingi ng pagkakataon" Walang pakundangang saad nya. Parang bigla kang napipi at hindi mo alam kung anong sasabihin mo. Pero pano nya nalaman ang tungkol samin ni Sehun?



Biglang nablanko ang utak mo sa kawalan ng sasabihin. Ano ba ang dapat isagot sa ex-bias mo na humihingi ng pagkakataon sayo?



Hinawakan nya ang kamay mo na siyang ikinabigla mo. Tiningnan mo si Taejun ng diretso sa mga mata. Aaminin mong pag nakikita mo siya ay si Sehun ang nakikita mo.



"Ahm. Ano kasi-" Hindi pa ako nakakamove-on kay Sehun. Pero syempre, hindi mo pwedeng sabihin yan.



Yeah babe my queen

Nal jibaehaneun neo

Stand up oechyeodo gyeolgugen dabeun no

Buseojin nae mamui jogagi banjjakbanjjak hae

Ppajyeodeureossgo chulgu ttawin eopseossgo

Gyeolgugen je jari tto gireul ilheoga nan


Yeah, babe

My queen

You control me

Oh yeah, stand up

I shout out but the answer is no

The broken pieces of my heart shine

I've fallen and there's no exit

In the end, I'm in the same place, I'm lost



Natigil ka sa pagsasalita nang marinig mo ang pagtugtog ng pamilyar na kanta ng EXO. Tumingin ka muli sa kanila at sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtama ang paningin nyo ni Sehun.



Dumako ang tingin nya sa tabi mo at kitang-kita ang pagkagulat doon. Siguro ganyan din yung itsura mo kanina. Sabagay, sino bang hindi magugulat?



Bumaba ang tingin nya sa magkahawak ninyong kamay ni Taejun at hindi mo alam kung guni-guni mo lang pero nakita mo ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya.



Taneun jeo haega jyeo

Geureohge neoneun deouk nunbusyeo

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now