Chapter Three

21.1K 724 178
                                    

"Oppa! Date tayo!"

Masayang sabi mo kay Sehun na kasalukuyang nanonood ng performance nila sa Mnet. Di ka nya pinansin at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawa.

"Oppa! Sigenaaa. Dalii~"

Pamimilit mo pa pero sinimangutan ka lang nya.

"Pwede ba? Wag mo nga akong iniistorbo. Magdate ka mag-isa mo. Di ako interesado. Wag ka na rin umuwi kung gusto mo."

Aray.

Oo. Alam ko namang di mo ko mahal pero masakit ipamukha!

Haay. Hindi mo na alam ang gagawin mo. May nakita ka kasing bagong bubble tea shop na gusto mong puntahan.

Gusto mo sanang isama si Sehun pero base sa sagot nya mukhang mag-isa ka na namang pupunta. Okay lang. Sanay ka narin lang namang mag-isa.

Umakyat ka sa kwarto mo at nagbihis. Pupuntahan mo pa rin yung bubble tea shop. Mukha kasing masarap. Sanay ka na rin namang mag-isa eh. Kahit kailan di ka pa sinamahan ni Sehun kahit saan.

Masakit mang isipin pero wala talaga syang pakialam sayo.

Nagsuot ka ng simpleng tshirt at pantalon. Di ka na masyadong nag-ayos. Malapit lang naman yung shop eh. Saka wala ka namang pinapagandahan kasi yung asawa mo andun sa baba at walang pakialam.

Bumaba ka ng hagdan at nakita mong andun pa rin si Sehun sa harap ng tv kaya tumayo ka malapit sakanya.

"Oppa aalis muna ako at makikipagdate sa sarili ko."

Sabi mo at tinalikuran na sya. Hindi mo na sya hinintay na sumagot dahil alam mong masasaktan ka lang lalo. Hindi ka naman masyadong martyr. Sapat lang.

Pagkatapos ng sampung minuto ay nakarating ka na rin sa bubble tea shop. Habang naglalakad ka kanina ay naramdaman mong parang may sumusunod sayo pero di mo na lang pinansin. Sino namang magkakainteres sayo?

Umupo ka sa pwesto malapit sa may bintana pagkatapos mong umorder ng chocolate bubble tea at chocolate cake.

Katulad ni Sehun, mahilig ka rin sa chocolate pero dahil wala syang pakialam sayo, di nya alam yun.

Habang kumakain ka ay naramdaman mong may nakatingin sayo kaya napatingin ka sa labas.

"Sehun??"

Nagtataka mong tanong. Kumurap kurap ka pa at bigla syang nawala.

Sabi na nga ba namamalikmata ka lang. Bakit ka naman nya susundan?

Nagpatuloy ka na lang sa pagkain nang mapadako ang tingin mo sa lalaking papalapit sayo.

"Kris"

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon