Chapter Sixty Five

13.8K 629 304
                                    

Note:

Enjoy reading!

--

Buntis?!


Teka nga, ano bang pinagsasasabi ng isang to?! Ano to, immaculate conception? Nabuntis kahit hindi nag-aano?

Nakasinghot ata ng katol si Sehun eh! Ano bang tingin nya sa buhay namin, K-drama?!

"Totoo ba ang sinabi ng asawa mo?" Nagkarerahan ang mga paru-paru sa tyan mo at dumoble ang tibok ng puso mo dahil sa tanong ng nanay mo. Agad kang umiling. Hindi mo mabasa ang ekspresyon sa mukha nila kaya mas lalo kang kinabahan.

Pasimple kang inakbayan ni Sehun at pinisil ang balikat mo.

"Hindi pa po namin napag-uusapan ng asawa ko ang tungkol dito kaya pati po sya ay nagulat rin dahil napaaga ang pagsabi namin sainyo pero nakasisiguro po kayong hindi ko tatakasan ang responsibilidad ko."

Siguro kung may pampalubag loob man ang kalokohan ng lalaking to ay yung sinabi nyang papanagutan ka nya kahit obvious naman na hindi ka buntis. Pero letche, buntis?!

Ni wala ngang kabyuntaehan na nangyari samin sa Korea tapos sasabihin nyang buntis ako?!

Ba't di ata ako informed?!

Hindi kaya hinalay ko ang isang to nung natutulog ako?! Kasi imposible namang sya ang manghalay sayo. Pero kung hinalay ko sya at nagising sya, ba't wala akong maalala? At higit sa lahat, kung gising naman pala sya, ba't di nya ako pinigilan?!!!

Oh my freaking gosh.

Hindi. Hindi talaga eh! Imposible talaga! Imposible nga ba? Muli mong nilingon si Sehun at kung hindi mo lang talaga siguradong walang kababalaghang nangyari sainyo(hindi naman siguro counted yung mga pagnanasa mo sakanya diba?) at naalalang nadatnan ka nga pala nung isang linggo ay pati ikaw maniniwalang buntis ka nga. Pano ba kasi sobrang seryoso ng hitsura nya. Ni walang bahid ng ngisi at para talaga syang excited na magkaroon ng anak--ano raw?!

"Kaya mo ba pinakasalan ang anak namin dahil sa bata?" Seryosong tanong ng mga magulang mo. Sumeryoso din ang mukha ng asawa mo.

"Pinakasalan ko po sya dahil gusto ko syang pakasalan at hindi para panagutan. Saka katulad nga po ng sinabi ko, 6 na buwan na rin po kaming kasal. Hindi naman na po siguro nakapagtataka na buntis na sya"

"Mabuti naman kung ganun. Kung kasal na kayong dalawa at magkakaroon na ng sariling pamilya ay wala na kaming magagawa. Pero-" Tumigil sa pagsasalita ang nanay mo at tiningnan ka at pinandilatan na parang nagtatanong ng 'ano nga ulit asawa nyang asawa mo?' Napabuntong-hininga ka na lang at umiling.

"Sehun"

"Yan. Sehun."

"Po?"

"Sa susunod, imbitahin mo naman kami sa kasal nyo." Nalaglag ang panga mo at may sasabihin ka pa sana nang bigla ka na lang nilang tinalikuran.

"Wala pong problema" Nakangising saad ni Sehun at nilingon naman sya ng mga magulang mo bago magthumbs-up. Napailing-iling ka na lang.

Hay naku. Ang hirap magpalaki ng magulang.

--

Nandito ka na sa hotel room ni Sehun dahil na rin pinagtulakan ka na sakanya ng mga magulang mo. Para namang asong ulol si Sehun dahil kanina pa wagas kung makangiti.

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now