Chapter Fifty Five

13.1K 559 147
                                    

Note:

May nagbabalik hahahaha. Vote and comment~

-Jihwanxxi

--

Napapraning na nagpagulong-gulong ka sa ibabaw ng kama mo.


Eh ano naman kung nandito sila sa Pilipinas? Hindi naman siguro nila alam kung nasan ako diba?


Siguro nung fangirl ka pa lang at nalaman mong nasa Pilipinas ang EXO ay kanina ka pa nagtatatalon sa tuwa. Pero hindi eh.


Hindi mo lang basta past si Sehun dahil ex-husband mo siya. Waahh. Hindi kami pwedeng magkita! Nasa first stage pa lang ako ng moving on. Huhuhhu. Epal ka talaga Oh Sehun!


Pero hindi naman ikaw ang pinunta nya dito eh. Sigaw ng traydor mong utak.


Leche oo na. Bawal mag-assume?! Isip-isip mo.


At dahil nakalimutan mong itanong kay baba kung anong masamang hangin ang nagdala sa kanila sa Pilipinas dahil sa sobrang pagkabigla ay naisipan mong mag-online after 123456789 years.


Naging busy ka kasi sa pagdadrama sa failed relationship nyo ni Sehun kaya iniwasan mong buksan ang mga SNS accounts mo. Para ka tuloy na taong bundok dahil sa sobrang pagka-outdated mo lalo na sa Kpop world.


Sunod-sunod ang ginawa mong pagspazz at napanganga ka na lang sa mga nalaman mo.


Dito ang last stop ng EXOluxion?! At may fanmeet pa sila dito?!


Hindi ka makapaniwala sa mga nababasa mo pero ang pinakanagpawindang sayo ay nang makita mo kung saan gaganapin ang fanmeet nila.


T-teka! Dito yun samin ah!


-


Napabalikwas ka ng bangon nang marinig mong nagriring ang cellphone mo. Tiningnan mo ang caller ID at nakahinga ka ng maluwag nang makitang isa ito sa mga kaibigan mo.


Akala ko si duizhang na naman eh.


"H-hello?" Medyo inaantok mo pang tanong.


[Asan ka na?] Sagot ng kabilang linya.


"H-huh??" Naguguluhang tanong mo. Tiningnan mo ulit ang caller id para masigurong ang kaibigan mo nga ang tumatawag. Ano bang pinagsasasabi ng isang to? Hindi kaya wrong number lang?


[Anong huh?! Hoy babae lumabas ka na dyan sa bahay nyo. Pupunta tayo sa fanmeet ng EXO. Kyaahh!"] Natulos ka sa kinauupuan mo at para kang tinakasan ng kaluluwa.


"Pwedeng wag sumama? Masama pakiramdam ko" Pagpapalusot mo. Hindi kami pwede magkita ni Sehun!

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now