Chapter Eleven

16.7K 628 73
                                    

Note:

Hi Whirlwinds! Ako ay nagbabalik...at nababaliw.

Add nyo ko sa Ask.fm, ScarletJade. Or click the external link.

-Jihwanxxi

--

Naalimpungatan ka sa sinag ng araw na tumatama sa mukha mo.

Anong oras na ba? Gising na kaya si Sehun? Yan agad ang naisip mo.

Maaga pa siguro. Matutulog na lang muna ulit ako. Sabi mo sabay hikab. Hindi mo pa dinidilat ang mga mata mo dahil inaantok ka pa talaga. Halos hindi ka kasi makatulog dahil iniisip mo yung nangyari sainyo ni Sehun kahapon.

Tumagilid ka na lang at niyakap ang unan sa tabi mo. Pinisil pisil mo pa ito.

Ang lambot. At ang bango. Lalo mo pang isiniksik ang mukha mo sa unan.

Infairness, hindi amoy downy. Saan kaya nila binili to? Matanong nga sa reception mamaya. Sininghot singhot mo ulit ito. Di ka pa nakuntento at dinantayan mo pa ito ng paa mo.

Life size unan ba to? Ang laki naman ata. Hinaplos haplos mo ulit ito at inamoy amoy.

Teka, parang may mali. Bakit may matigas na parte ang unan? At bakit pamilyar ang amoy nito? Tanong mo sa sarili mo. Unti-unti kang kinabahan.

Hindi kaya?? Hindi naman siguro. Ano naman ang gagawin ni Sehun sa kwarto mo eh sa pagkakaalam mo ay may sarili naman syang kwarto.

Pilit mo pa ring kinukumbinsi ang sarili mo na hindi si Sehun ang katabi mo kaya naman halos mapatalon ka sa gulat at muntik ka nang mahulog ka sa kama nang magsalita ito.

"Good Morning Wife" Idinilat mo ng unti-unti ang mata mo at nakita mo ang ngising-ngising asawa mo.

"Ah-eh..G-good morning din Oppa" Alanganing sabi mo sakanya. Unti- unti mong kinakalas ang pagkakalingkis mo sakanya dahil baka lamunin ka na ng lupa sa sobrang hiya. Gusto mo nang kumaripas ng takbo pagkakita mo pa lang sakanya.

Pano ba nakapasok ang isang to dito? Gusto mong itanong yan sakanya pero hindi ka pa rin makaget-over sa kahihiyang kinalalagyan mo ngayon.

Unti-unti ka nang umikot at tatayo ka na sana nang bigla kang hinatak pabalik ni Sehun sa kama kaya nakapaibabaw na sya sayo ngayon.

"At saan ka pupunta??"

"Ahm..Kakain??"

"Mamaya na. Dito muna tayo" Sabi nya sabay higa ulit sa tabi mo pero nakahatak pa rin sya sa kamay mo kaya ikaw naman ang nakapaibabaw sakanya ngayon.

End of the world na ba? Bakit ganito ngayon si Sehun?? Hindi mo alam kung matutuwa ka dahil hindi ka nya inaaway o matatakot ka dahil baka sinasapian ng masamang espiritu ang asawa mo. Pero ano man ang nangyayari kay Sehun ngayon, hindi mo pa rin maikakaila ang bilis ng tibok ng puso mo.

Nanatili lang kayo sa ganung posisyon. Ayaw mong magsalita. Natatakot ka na baka pag nagsalita ka ay biglang matauhan si Sehun. Gusto mong damdamin ang mga oras na to habang may pagkakataon ka pa. Habang may oras pa.

Dahil kahit ilang beses mo mang sabihin sa sarili mong ayos lang, alam mo pa rin sa sarili mong kahit minsan, gusto mo pa ring maranasan ang mahalin nya.


OH SEHUN'S WIFEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora