Chapter Forty Six

13.5K 602 153
                                    

Note:

Vote and comment~

-Jihwanxxi

--

Walang tigil sa pagbuhos ang luha mo habang naglalakad ka papuntang SMEnt. Wala kang pakialam kung pinagtitinginan ka na ng mga tao. Basta kailangan mong makausap si Sehun.

Nang pumasok ka ay agad na natigilan ang mga tao sa loob. Kitang-kita ang gulat sa mga mata nila at bakas ang pagkabigla at pag-aalala. Sabagay sino ba naman ang hindi mabibigla kung bigla ka na lang papasok nang punit ang damit, may mga pasa, at puno ng pintura at harina ang katawan.

Marami ang nagtatanong sayo kung ayos ka lang ba, anong nangyari at kung kailangan mo ng tulong pero isang tipid na ngiti at iling lang ang binibigay mo bilang sagot sa kanila.

Nang makita mo ang EXO ay hinanap mo kagad kung nasan si Sehun. Halata sa mga mata nila na gusto nilang magtanong pero hindi naman sila nagsalita bagkus ay tinuro na lang ang kinaroroonan ni Sehun.

"Nasa dressing room si Sehun-ah. May kausap. Kaibigan niya ata." Anas ni Suho habang inaabutan ka ng twalya. Inabot mo ito at nagpasalamat bago mo tinungo ang daan papunta sa dressing room.

Nagtataka ka kung sino ang kausap ni Sehun ngayon. Kilala mo naman ang mga kaibigan nya dahil minsan mo na silang nakasama noon. Inaasar pa nga nila si Sehun nung nalaman nila ang tungkol sainyo.

Nasa tapat ka na ng dressing room, huminga ka muna ng malalim dahil sa sobrang kaba at matapos makahinga ng malalim at feel mo ay ready ka na ay tinaas mo ang kamay mo at akmang kakatok na sana pero hindi pa man nadadampi ang kamao mo sa may pinto ay may narinig kang biglang nagtaas ng boses.

"What d'you fcking want?! Leave me alone!" Umalingawngaw ang pamilyar na boses ni Sehun at galit sya. Teka, may kausap sino bang kausap nya sa loob?

Nakita mong nakaawang ng konti ang pinto kaya nagpasya kang sumilip at nanlaki ang mga mata mo nang makilalang si Hyunbin ito. Si Hyunbin na dating bestfriend ni Sehun.

Si Hyunbin ang bestfriend ni Sehun nung middle school. Fangirl ka pa lang ay kilala mo na siya dahil madalas siyang sumulpot sa mga IG posts ni Sehun. Nagkaroon siya ng maraming fans dahil na rin kay Sehun pero nagkaroon ng kontrobersiya nang makita siyang sumasama sa mga sasaengs.

Nalaman ni Sehun na binibenta nya sa mga ito ang mga unseen pictures nila at nung pagkatapos magdebut ni Sehun ay palagi na lang siyang humihingi ng pirma at selca na magkasama kaya naman hindi nakapagtataka na napuno na si Sehun sakanya.

"Wala naman. Gusto ko lang naman kitang icongratulate sa comeback nyo" Ngumiti ng mapang-asar si Hyunbin.

"Wag mo akong gawing tanga. Alam kong hindi yan ang pinunta mo dito." Madiing sagot ni Sehun sakanya. Tumawa ito ng konti pero mas nabigla ka nang lumingat saglit ang paningin nito at sakto pang napadako ang kanyang tingin sa may pinto at nagtagpo ang inyong mga mata.

Nabigla ka dun at uurong ka na sana sa may pinto dahil akala mo ay papansinin ka nya pero saglit lang ang pagkabigla nya at tumingin ulit sya kay Sehun at nagsalitang muli na wari'y hindi ka pinansin kaya naman nanatili ka na lang sa kinatatayuan mo.

"Oh yeah, kamusta na pala kayo ng asawa mo?" Biglang tanong nito kay Se. Agad kang namutla.

"HOW DID YOU KNOW ABOUT HER?!"

"Diba sabi mo gusto mo sa mga International fans mo? Sabi mo pa nga kung hindi Koreana Filipina na lang ang pakakasalan mo."

"Ano bang problema mo?!"

"Ay bakit hindi ba? Akala ko kasi oo HAHAHA-" Naputol ang pagtawa nya nang bigla syang higitin ni Sehun sa kwelyo at nanggagalaiting tinitigan.

"SABIHIN MO SAKIN KUNG ANONG ALAM MO TUNGKOL SAKANYA! PANO MO SIYA NAKILALA?!!" Tinangal ni Hyunbin ang pagkakahawak ni Sehun sakanya at inayos ang damit nya.

"Gusto mong malaman ang totoo? Pinaglalaruan ko lang siya" Parang kutsilyong hiniwa ang puso mo sa narinig mula kay Sehun.

"Wow. Eh bakit mo sya pinakasalan? Dahil mahal mo siya? Ay teka parang malabo naman ata yun kasi diba sabi mo pinaglalaruan mo lang siya? Kawawa naman yung fan mo na asawa mo kung ganun. Pinaglalaruan lang pala siya ng ultimate bias nya. Mukha pa namang baliw na baliw siya sayo pero ginaganun mo lang."

"THE FCK YOU CARE!" Nakatungong sambit ni Sehun. Muli nyang sinugod si Hyunbin. Mukhang hindi na nya kayang magtimpi.

"OO! PINAKASALAN KO SYA HINDI DAHIL SA MAHAL KO SYA KUNDI DAHIL GINAGAMIT KO LANG! PINILIT LANG AKO NI MANAGER HYUNG NA PAKASALAN SIYA! ANO MASAYA KA NA HA?!" Parang mga malalaking karayom ang tumusok sa puso mo. Gusto mo nang umalis at tumakbo palayo pero hindi ka nagpatinag. Gusto mong marinig lahat ng sasabihin ni Sehun. Gusto mo nang ipunin lahat ng sakit.

"Paki-ulit nga ng sinabi mo, ano para sayo yung asawa mo? Laruan? Edi all this time niloloko mo lang siya, kawawa naman. Hindi mo ba naisip ang nararamdaman nya? Ang selfish mo naman Sehun. Tsk."

"TANG INA, WALA AKONG PAKIALAM SA KANYA KAYA PWEDE BA WAG MO AKONG KONSENSYAHIN NA PARA BANG HINDI MO AKO GINAGAMIT!"

"Wala kang pakelam sa kanya? Pwedeng paki-ulit?"

"WALA NGA SABI AKONG PAKIALAM! BINGI KA BA?! HINDI SYA IMPORTANTE SAKIN, PAMPALIPAS LANG SYA DAHIL HINDI SIYA MAHALAGA!!"

"Kahit minsan ba sinubukan mong mahalin sya?"

"HINDI MO BA AKO NAIINTINDIHAN?! WALANG KWENTA SA PANINGIN KO ANG ASAWA KO! SA PAPEL LANG KAMI MAG-ASAWA! HINDI KO SIYA MAHAL! SHE'S JUST A FANGIRL! ISA LANG SIYANG WALANG KWENTANG FANGIRL NA SUNOD NG SUNOD SAKIN! BAKIT KA BA TANONG NG TANONG TUNGKOL SA KANYA?!"

She's just a fangirl..

She's just a fangirl..

Paulit-ulit iyon sa isipan mo.

"Bakit ako tanong ng tanong tungkol sa kanya?" Ngumiti si Hyunbin at biglang tumingin sa direksyon mo, naglakad sya palapit sa pinto at binuksan ito at bumungad ka sa harapan nilang dalawa.

"Kasi nakikinig sya."

Nakatulala ka lang sa lahat ng mga narinig mo, sa lahat ng masasakit na salitang binitawan ng asawa mo. Hindi mo na namalayan na kanina pa pala bumubuhos ang mga luha mo. Alam mong hindi nya kayang suklian ang nararamdaman mo para sakanya.

Alam mo ang lahat ng yun pero tinanggap mo pa rin dahil umaasa kang matututunan ka rin nyang mahalin. Dahil umaasa ka kahit papano na unti-unti nang nahuhulog sayo si Sehun.

Pero ang sakit palang malaman na niloloko ka lang. Na lahat ng paghihirap at sakripisyo mo mahalin ka lang niya ay balewala.

"A-aegi!" Nakita mo ang pagtakas ng kulay sa mukha ni Sehun. "K-kanina k-ka pa ba d-dyan?" Nauutal na sabi nya.

Hindi ka maka-imik dahil kagat kagat mo ang labi mo habang nagbabagsakan ang mga luha mo, marahas mong pinahiran ang pisngi mo at tumingin ng diretso sa kanya at dahan dahang tumango ng dalawang beses.

"Aegi, ano--" Hindi mo na sya pinakinggan pa at tumalikod ka na habang nakatakip ang kamay mo sa iyong bibig at nagpipigil ng hikbi habang tumatakbo palayo.

Habang tumatakbo ka at umiiyak ay naisip mo, ayaw mo man siyang pakawalan, alam mo sa sarili mong walang patutunguhan ang relasyon nyong ito. And even though it hurts so much to let go, alam mong kailangan mo nang umalis. You can't stay and you definitely won't Magkakasakitan lang kayo ni Sehun.

And even though it breaks your heart, kailangan mong tanggapin na sadyang may mga bagay na kahit hindi mo gustong bitiwan,

Pero kailangan.

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now