Chapter Sixty Nine

12.1K 590 136
                                    

KRIS

"Hyung kanina ko pa tinatawagan si Sehun pero hindi sumasagot, nasan na kaya yun?" Sambit ni Tao habang naglalakad kami pabalik ng hotel. Kinuha ko ang iphone ko mula sa bulsa at tiningnan kung nagtext ba sya. Kumunot ang noo ko nang makitang wala. Palaging nagtetext si Sehun kung nasan sya kahit hindi namin sya tinatanong. Hinanap ko ang numero nya at di-nial ito. Isa, dalawa, tatlo. Patuloy lang ito sa pagring. Apat, lima, an--

"Hello?" Kumunot lalo ang noo ko nang babae ang sumagot. Nambababae si Sehun?!

"Hello" Pormal kong sagot. "Sino to? Mali ba ako ng natawagan? Hinahanap ko si-"

"Yeah yeah" Pagputol sakin ng kabilang linya. "Hindi akin ang cellphone na to. Nakita ko to sa sahig ng parking lot kanina kaya pinulot ko"

"Sa sahig?" Pag-uulit ko.

"Oo. May aksidente dito kanina. Maraming pulis at ambulansya. May sinaksak dito sa parking lot. Baka sya ang may-ari nitong cellphone" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Ngayon ko lang napagtanto na ambulansya ang naririnig ko sa background ng kabilang linya. Pinagpawisan ako ng malamig.

"A-ksidente? N-nasaksak?" Namutla ako. Naagaw ko na rin ang atensyon ng ibang myembro. Isa-isa silang nagsilapitan sakin.

"Anong nangyari? Nasan si Sehun?" Tanong ni Kai pero di ako makasagot.

"Ibababa ko na to. Ibibigay ko na to sa mga pulis" May narinig akong mga kaluskos at pinaghalong mga boses bago may babaeng sumagot sa kabilang linya.

"Hello? Ako ang pulis na naghahandle ng kasong ito. Kaano-ano mo ang lalaking biktima?"

"Lalaki? Oh God" Napasandal ako sa pader sa sobrang panghihina. "Oh my God"

"Puntahan nyo na lang ang pasyente sa *** Hospital. Maraming dugo ang nawala sakanya. Ito ang address" Pagkatapos nyang sabihin ang address ay naglakas loob akong itanong ang pinakakinakatakot ko.

"A-anong pangalan nya?"

"Sabi sa ID nya, Oh. Oh Sehun. Tama ba?" Pakiramdam ko naubos lahat ng dugo sa katawan ko dahil sa kumpirmasyon. Napaupo ako sa sahig, nanlalaki ang mga mata. Naaksidente si Sehun!

"Sir? Sir? Nandyan pa ba kayo?"

"Kilala ko sya" Imbis ay sagot ko.

"Kung ganon ay bilisan nyo na ho. Malalim ho ang pagkakasaksak sa tagiliran nya." Nakita kong kinakausap nila ako pero hindi ako makasagot.

"HYUNG!" Sigaw nila na nagpabalik sakin sa katinuan. Niyuyugyog na nila ako.

"Sehun. Aksidente. Saksak"

"Ano? Hindi ka namin maintindihan" Binigyan ako ni Baekhyun ng tubig pero tinabig ko lamang iyon.

"NAAKSIDENTE SI SEHUN!" Naramdaman ko ang panghihina ng kamay ni Baekhyun sa balikat ko at unti-unti itong bumagsak habang nakatitig sila saking lahat na may panlalaki ang mata.

"Naaksidente?" Mahinang tanong ni DO.

"Nasaksak sya! Y-yung cellphone nya, nasa sahig... Sht sht SHIT!!" Nagsimula akong maglakad ng pabalik-balik sa pagkataranta. Sunod naman sila ng sunod sa dinadaanan ko.

Nang unti-unti nang nagsink-in samin ang katotohanan ay mabilis pa sa alas kwatrong kumaripas kami ng takbo papunta sa ospital.

--

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now