Chapter Twenty Seven

20.9K 739 308
                                    

Note:

Una sa lahat, HAPPY BIRTHDAY SA PINAKAMAMAHAL KONG ASAWA /Le Fireworks/ Saranghaeyo Oh Sehun~ <3 As promised, mag-uupdate ako ngayon. Mehehe.

Anak ng parachute! Kinikilig ako! HAHAHA. Basahin nyo para malaman nyo kung bakit ako kinikilig. <3

Sinong Army dito? Wag nyo kong awayin ha. Hahaha.

Vote and comment!

-Jihwanxxi

--

Alas nueve pa lang ng umaga ay handa ka na. Nagsuot ka ng blue crop top na may cross na design at jeans na tinernuhan mo ng high cut sneakers. Nagsuot ka na rin ng snap back at shades. Maraming tao sa Lotte World at baka makilala ka ng mga fans ng asawa mo. Alam mong nagtataka na rin ang mga fans sa mga ikinikilos ni Sehun. Nagtataka ka nga kung bakit hanggang ngayon ay di ka pa rin nila kilala samantalang daig pa ng FBI ang mga fans nila-lalo na ang mga K-fans. Lumabas ka na sa kwarto mo at nakita mong paalis na rin si Sehun patungo sa kotse nya.

"Sehun-Oppa!!" Excited na tawag mo sakanya. Lumingon naman siya sayo at ngumiwi nang makita ang itsura mo. Pinasadahan ka nya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumiti ka ng malawak nang mapansing pareho pala kayo ng suot. Ganun din kasi ang itsura nya pero nakablue long sleeves siya na may puting tshirt sa ilalim at jeans. Pareho rin kayo may suot na puting earphones.

"Tara na" Walang emosyong sabi nya. Agad ka namang sumakay at umalis na kayo papuntang Lotte World.

Medyo mahaba ang byahe kaya naman sa sobrang pagka-excited mo ay salita ka lang ng salita. Hindi ka naman sinasagot ni Sehun kaya mukha kang tanga na nagsasalita ng walang kausap.

"Alam mo Oppa ang sarap din pala ng Taro bubble tea sa kanila. Diba favorite yun ni Luhan-Oppa? Gusto mo dalhan kita sa practice nyo pag--"

Naputol ang sinasabi mo nang biglang nagpreno si Sehun. Muntik ka nang mapasubsob. Buti na lang at may seatbelt ka.

"Pwede bang manahimik ka na lang?! Ang ingay mo! Ikaw na nga ang ginagawan ko ng pabor dito eh!"

Natahimik ka sa mga sinabi nya at nagbow na lang sakanya.

"Sorry"

Tumingin ka na lang sa bintana at hindi na nagtangkang magsalita pa.

--

Ilang minuto na ang nakalipas at wala pa rin kayong imikan ni Sehun. Napansin mong malapit na rin kayo. Biglang nawala ang excitement na nararamdaman mo kanina lang.

Nahihiya ka sakanya. Nahihiya ka rin sa sarili mo. Dapat hindi mo na lang ipinagpilitan ang gusto mo.

Pero kusa siyang sumama sayo. Bulong ng utak mo.

Dapat di ko na lang siya niyaya eh! Inis mong sinabunutan ang buhok mo. Napasulyap naman sayo si Sehun.

Nang makarating na kayo sa Lotte World ay hindi mo na siya hinintay na magsalita at dire-diretso ka na lang na lumabas sa kotse nya. Nauna kang maglakad papunta sa entrance nang hindi siya nililingon. Hindi mo rin kasi alam kung pano mo siya pakikitunguhan pagkatapos ng nangyari. Maraming tao ngayon dahil Sabado. Karamihan ay mga teenager. Kinabahan ka dahil baka bigla nilang makilala si Sehun. Malaking gulo to pag nagkataon.

"Kidaryeo!" May narinig kang tumawag sa pangalan mo at nagsasabing teka lang. Hindi ka naman lumingon dahil baka kapangalan mo lang.

"Teka!" Ngayon sigurado ka nang si Sehun ang nagsalita. Huminto ka sa paglalakad pero nang mapagtanto mong baka hindi naman ikaw ang kinakausap nya at nag-aassume ka na naman ay naglakad ka na lang ulit.

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon