Chapter Seventy

13.4K 635 142
                                    

SEHUN

May naririnig akong mga boses. Maiingay na boses. Boses pa lang, di ko na kailangang manghula. Parang gusto kong busalan ang bibig ni Baekhyun hyung. Ang ingay nya. Teka patay na ba ako? Ba't ko naririnig si hyung? Diba bawal sa langit ang maingay?

Naramdaman kong may humaplos sa buhok ko. Gusto kong ngumiwi nang maramdaman ang labi ni Chanyeol hyung sa pisngi ko. Kadiri talaga to si hyung. Ang sarap itapon palabas ng bintana.

"Gising na Sleeping Beauty." Rinig kong bulong nya. Yuck.

"Hoy Chanyeol tigilan mo nga yan si Sehun. Kahit ako nasa kalagayan nya di rin ako gigising kung ikaw lang naman ang hahalik sakin" Gusto kong bumunghalit ng tawa sa pambabara ni DO hyung.

"Bitter ka lang kamo hyung. May Jongin ka naman"

"Nananahimik ako dito ah!" Rinig kong sigaw ni Kai kaya nagtawanan sila. Nagmulat ako ng mga mata. Agad akong napasimangot nang makita si Tao sa tabi ko. Kaya pala ang sikip. Sino bang pasyente dito, sya o ako? Iginala ko ang mata ko. Nasilaw ako, hindi sa ilaw kundi sa kutis ni Suho hyung na nakatingin sakin habang mangiyak-ngiyak. Napangiwi ako.

"Hyung ang pangit mo talagang umiyak" Natigilan silang lahat, siguro ngayon lang nila napansin na gising na ako. Nakatigil pa sa ere ang mga kamay nilang may hawak na pagkain. Mga walangya to mas inuna pang lumamon.

"Sehun!!!" Sabay-sabay nilang sigaw at niyakap ako.

"Bitaw! Kadiri kayo!" Inis kong bulyaw sa kanila pero di nila ako pinansin. Pinugpog pa nila ako ng halik. Ang babakla talaga ng mga to. Kaya kami napagkakamalan eh.

"We need a stretcher!" Narinig kong sigaw ni Baekhyun hyung sa may labas ng pinto. Aanhin nya ang stretcher?!

"Chanyeol, tingnan mo nga kung bumubula ang bibig ni Sehun" Utos ni Kris hyung.

"Hyung, nasaksak ako, hindi nakagat ng aso!" Reklamo ko sakanila.

"Ay oo ba?" Tanong muli ni Hyung.

"Pinaiyak mo si Kris hyung!" Napangiwi si Kris hyung sa sinabi ni Jongdae hyung.

"Ikaw nga humagulhol ng iyak habang sumisigaw ng 'Sehun! Wag mo kaming iwan!'" Pambabara naman ni Hyung. Ilang sandali pa ay nagpapatayan na naman sila. Napailing ako. Ang gulo talaga ng EXO. Lalo na kapag hindi kami nagpeperform.

"Nasan si Lay hyung?" Tanong ko na nagpatahimik sa kanila.

"Nasa--andito lang yung kanina ah!" Sabi ni Xiumin hyung.

"Sabi sainyong may naiwan tayo eh!" Sabi naman ni Luhan hyung. Napailing na lang ako.

"Pwede bang tawagan nyo ang asawa ko? Kesa kayo ang nandito" Naiinis na wika ko. Nakita kong bumubungisngis sila.

"Wala na. Sumama na kay Taejun" Sinaklot ako ng matinding kaba. Parang pinipiga ang puso ko--

"Joke!" Sa sobrang inis ko ay binato ko sila ng unan.

Maghahapon na pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang asawa ko. Ganun ba sya kawalang pakialam sakin kaya hinayaan nya na lang ako dito? Siguro masaya sya sa nangyari sakin.

Oras-oras sa tuwing bubukas ang pinto ay hinihiling ko na sana sya na ang dumating pero hindi. Bumukas ang pinto. Hindi ko nilingon iyon. Siguradong si Chanyeol hyung lang yan na mangungulit na naman. Pero namanhid ang buong katawan ko nang marinig ang boses ng asawa ko.

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now