Chapter Sixty Eight

14.2K 554 133
                                    

Note:

I just can't get over my Exo'luXion feels! TININGNAN AKO NI SUHO HUHUHU. (Pic above) Mas lumalim yung feels ko para kay Sehun. Pano na ko magmomove-on neto? XD

Vote and comment~

-Jihwanxxi

--

SEHUN

Nagising ako ng wala na naman ang asawa ko sa tabi ko. Agad akong nagpanic at bumaba para tanungin ang receptionist kung nakita nya ba ang asawa ko. Tinuro nya naman ang rooftop kaya agad akong tumakbo papunta roon.

Hinihingal na narating ko ang rooftop, pumasok ako sa pinto at nakita kong nagkakagulo sila roon. Kasama nya ang buong EXO--maliban sakin. Umikot ang mga mata ko, nakita ko yung asawa ko na nakatayo sa may gilid at umiinom ng juice, nakasuot sya ng mahabang bestida, napangiti ako, ang ganda niya talaga. Lalapit na sana ako nang biglang may tumawag sa kanya. Nakita ko si Kris hyung na tumatakbo papunta sakanya, he was holding a piece of long - stemmed rose, ibinigay nya iyon sa asawa ko, kinuha naman niya iyon tapos ay ngumiti, nanlaki ang mga mata ko nang bumulong si Kris hyung sa kanya tapos ay tumawa silang dalawa.

Sa hindi malamang dahilan, bigla kong narinig yung tinig ni Kris hyung nung minsang mag-usap kami sa practice room.

Paano kung may marealize nyang may lalaking mas makapagbibigay ng mundo sakanya? Pano kung may mahanap siyang lalaking MAS mayaman sayo?, MAS sikat sayo at MAS magmamahal sakanya ng totoo? Pano kung ang lalaking yun ang mas makakapag-alaga sakanya at ang mas makakapagtrato ng maayos sakanya?

Nabitiwan ko ang dala kong bulaklak na pinasuyo ko pa kanina. Nakahanap na ba siya ng iba? Nawala na ba iyong pagmamahal niya para sa akin? Bakit parang hindi ko matanggap?

 Nakahanap na ba siya ng iba? Nawala na ba iyong pagmamahal niya para sa akin? Bakit parang hindi ko matanggap?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakita kong nilapit ni Kris hyung ang mukha nya at hinalikan ang asawa ko. Naramdaman ko ang pamilyar na sakit sa dibdib ko. Tiningnan ko siya, parang ang saya-saya niya. Kumikislap ang mga mata nya. Kahit minsan di nya ako nginitian at tiningnan ng ganun. Napailing na lamang ako. Huli na yata talaga ako.

Bumaba ako papunta sa parking lot; Hindi ko na siya kinausap. Nasasaktan ako ng sobra ngayon. Kasalanan ko rin naman, sinayang ko yung pagkakataon ko. Now I've lost her. Sumakay muli ako sa kotse ko. Pumunta ako sa isang bar at tulad ng nakagawian ko na, hinayaan kong malunod ang sakit na nararamdaman ko sa alak.

Langong-lango na ako sa alak. Narinig ko ang sunod-sunod na pagring ng cellphone ko pero hindi ko iyon pinansin.

Ang tanging naiisip ko lang ay pinagpalit na ako ng asawa ko.

Hindi ko na alam kung nakailang bote ako. Pagewang-gewang akong bumalik sa sasakyan. Nanlalabo na rin ang aking mga mata, hindi na ako pumasok. Napaupo na lamang ako sa malamig na aspalto habang umiiyak. Miss na miss ko na yung dating sya. Yung sya bago ko winasak. Kinuha ko sa sa kwintas ko yung singsing na binalik nya sakin nung iniwan nya ako. Our wedding ring. Gusto ko nang ibalik iyon sa kanya. Gusto ko na siyang makasama pero huli na yata talaga.

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now