Chapter Twenty Six

16.6K 637 108
                                    

NOTE:

MUST READ!

WALANG UPDATE NEXT WEEK. I'll be back on Jagi's birthday haha. See you on April 12 chingus. Vote and comment!

-Jihwanxxi

--

"Kyaaah! Ang gwapo! Ang gwapo gwapo mo talaga Tomoe!" Kilig na kilig na sabi mo habang nanonood ng anime na Kamisama Kiss sa sala. Kamukha kasi ni Sehun yung bidang lalaki, hindi nya lang napapansin dahil nakasimangot na naman siya.

Oo, nandito si Sehun sa tabi mo at nakikinood. Hindi mo rin alam kung bakit at ayaw mo nang alamin. As much as possible, ayaw mong bigyan ng definition ang mga inaakto ni Sehun kasi nga when you define something, you put limits to it at ayaw mong bigyan ng limitasyon ang ginagawa ni Sehun dahil baka simpleng pakikisama at pakikipagkapwa lang ang ginagawa nya. Malay mo ba kung mahilig sa kawanggawa yang asawa mo at nililimusan ka lang ng konting atensyon.

"Ang gwapoo" Pakiramdam mo ay nagpupuso-puso na yung mga mata mo. Ang gwapo naman kasi talaga ni Tomoe. Kung hindi lang talaga siya anime.

Pero may taong version naman siya eh. Katabi mo pa nga. Sabi ng maliit na boses sa utak mo.

"Hoy babae manahimik ka nga!" Bulyaw sayo ng katabi mo pero hindi mo siya pinansin dahil kinikilig ka pa rin sa ginagawa ni Tomoe kay Nanami.

"Di hamak na mas gwapo naman ako dyan" Bulong ni Sehun pero rinig mo naman.

"Hindi kaya!" Pagtanggi mo. Paano siya magiging mas gwapo eh magkamukha nga sila?!

Tiningnan ka naman nya ng sobrang sama gamit ang mga nanlilisik nyang mata.

"Eh di dyan ka na sa Tomoe mo. Siya na lang ang asawa mo" Umusog siya palayo sayo at nagpangalumbaba sa gilid ng sofa.

"Oppa naman eh!" Umusog ka palapit sakanya at tinusok-tusok ang tagiliran nya. Sinasamantala mo ang pagkakataon dahil good mood siya ngayon at kagabi ka pa nya hindi inaaway.

May mga oras talagang hindi ka inaaway ni Sehun kaya malaya kang asarin siya nang hindi siya napipikon.

Ililibre ko talaga si duizhang. Effective yung payo nya eh!

"Pumasok ka dyan sa tv. Dyan ka sa Tomoe mo. Wag mo kong lapitan" May bahid ng pagtatampo ang boses nya at gusto mong tumalon-talon sa sobrang kilig at tuwa.

Naalala mo naman ang mga sumunod na nakasulat sa papel na bigay ni Kris.

3.Kiss him on the nose

4.When he is upset, hold him tight and tell him how much he means to you.

5.Look him in the eye and smile

Hmm, kung pagsabayin ko kaya to?? May maliit na ngiti ang naglalaro sa labi mo dahil sa naisip mo at unti-unti itong naging ngisi. Makakatsansing din ako sa wakas! Bwahahaha. Parang baliw na tumawa ka sa isip mo at pasimpleng umusog palapit kay Sehun.

"Oppa"

No answer.

Mas lalo mong nilapit ang sarili mo sakanya. Nang hindi pa rin siya tumitingin sayo ay pinihit mo ang mukha nya at mabilis na hinalikan ang ilong nya at tiningnan siya diretso sa mata at nginitian ng matamis.

Halatang nagulat sya sa nangyari at lumaki bigla ang mata nya tapos biglang namula. Pero hindi ka pa tapos.

Walang sabi-sabing niyakap mo siya ng sobrang higpit.

OH SEHUN'S WIFENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ