Chapter Seventy One

13.2K 590 184
                                    

Note:

Waaahh! THANK YOU SO MUCH SA LAHAT NG SUPORTA NA BINIGAY NYO SA OSHW!!~ Salamat sa mga votes and comments at sa mga naglagay nitong story as their favorite fanfiction. Naappreciate ko po ng sobra. Kamsahamnida!~

-Jihwanxxi

--

Isang linggo na mula nang madischarge si Sehun mula sa hospital. Nandito pa rin sila sa Pilipinas. Kinuha pa kasi silang model ng mga local brands. Hapon na nang marinig mong bumukas ang pintuan. Hindi mo na kailangang manghula para malaman kung sino ang bagong dating.

Sasalubungin mo na sana ang asawa mo nang makita mong madilim ang mukha nya at nakatiim-bagang. Napaatras ka ng bahagya nang magtama ang mata nyong dalawa at pinanlisikan ka nya.

"Jagi??" Naguguluhan mong tanong.

"Magsabi ka ng totoo. May relasyon ba kayo ni Kris hyung?" Mahina ngunit madiin nyang tanong. Natatanga mo syang tiningnan. Sa sobrang gulat ay hindi ka nakapagsalita agad. Mabilis syang nakalapit sayo at madiing hinawakan ang magkabila mong braso.

"A-ano ba, Sehun. Nasasaktan ako!"

"Sagutin mo ako!"

"Wala! Ano ka ba--" Napadaing ka nang mas lalong humigpit ang hawak nya sayo.

"Wala?! Eh ano to ha?!" Malakas na sigaw nya bago ka binitiwan at kinuha ang cellphone nya sa bulsa at binato sa kama.

Naguguluhan man ay nilapitan mo ito at pinulot. Nanlaki ang mga mata mo nang makita kung anong laman ng cellphone nya.

Allkpop:

Dispatch reveals EXO-M's Kris' non-showbiz girlfriend.

Apparently, the two started dating three months ago and were seen dating across different landmarks. The girl is from the Philippines and is currently staying there. Fans speculate that she is the main reason why EXO is also in the Philippines right now.

What do you think about the newest couple?

Nanghihinang napaupo ka sa kama habang ini-scroll ang cellphone pababa upang makita ang mga pictures nyo ni Kris. May sa restaurant, sa park, at sa supermarket. Naalala mong ito yung mga panahon na iniiyakan mo si Sehun at si Kris yung palaging kasama mo. At meron ding mga picture kung saan magkayakap kayo ni Kris at nakitang sabay kayong pumasok at lumabas sa kanyang condo unit. Eh ito yung pinagtataguan mo si Sehun eh. Isip-isip mo. Maganda ang pagkakakuha ng anggulo mg larawan at kung hindi mo kilala ang sarili mo, pati ikaw maniniwalang may namamagitan sainyo.

Pesteng Dispatch! Magrereveal na nga lang, sa maling idol pa!

"Tatlong buwan" Tumawa sya ng pagak. "Tatlong buwan nyo na pala akong niloloko noon pa man" Nakita mo ang takas na luha na agad din nyang pinunasan. Gusto mo syang yakapin at sabihing mali sya, na wala naman talagang namamagitan sainyong dalawa pero naubusan ka na ata ng lakas.

"Sehun" Hindi na nya napigilan at humikbi na talaga sya. Napaupo sya sa sahig habang yung mukha nya ay nakasubsob sa tuhod nya.

"H-hindi pa ba ako sapat Aegi? Ano pa bang kulang? Gusto mo bang lumipat ako sa EXO-M? Sige. Mag-aaral ako lalo ng Mandarin. Ano, sabihin mo. Gagawin ko. Kaya kong tanggapin kung may relasyon kayo ni hyung pero putulin mo na ang relasyon mo sakanya. Ayoko ng may kahati--" Bago pa man nya matapos ang litanya nya ay binatukan mo na sya.

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now