Chapter Thirteen

18.9K 634 99
                                    

Note:

PLUG! PLUG! PLUG!(Medyo makapal ang mukha XD)

Hi Yixing stans! Basahin nyo sana ang One-Shot story ko para kay Lay. When She Left ang title. Nasa external link.

Thank you sa lahat ng nagbabasa ng OSHW.

From #860 naging #571 siya sa Romance, kahapon nasa #537 at ngayon nasa #498 na siya. Thank you so much!!!

Magcomment kayo pag may nakita kayong plot holes para masagutan ko. Vote and comment chingus! Kamsahamnida~

-Jihwanxxi

---

"Darating daw sina Chanyeol hyung dito mamaya" Sabi sayo ni Sehun habang naglalakad kayo papunta sa elevator. Tumango ka na lang. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagsisink-in sa isip mo ang mga nangyari sayo kanina. Tumayo na rin agad si Sehun pagkatapos ng ilang minuto dahil pareho na kayong nakaramdam ng gutom.

Sayang nga eh.

Pagkarating nyo sa baba ay sinalubong naman agad kayo ng staff at iginaya paupo sa isang bakanteng mesa. Napansin mong nakahanda na ang pagkain nyo kaya mas lalo kang nagutom.

Hindi mo na hinintay si Sehun at nauna ka nang maglakad papunta sa lamesa.

Gutom na talaga ako! Yan lang ang nasa isip mo kaya malalaki ang hakbang na naglakad ka papunta sa lamesa at dire-diretsong umupo sa isa sa bakanteng upuan.

Pero syempre hinintay mo pa rin si Sehun na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakarating.

Ang bagal naman ng isang yun! Nagwawala na ang mga alaga ko! Inis na sabi mo sa isip mo at nilingon ang kinaroroonan ni Sehun at ang walanghiya, sinasadya pa atang bagalan ang paglalakad habang tumatawa mag-isa tapos biglang iiling.

Nababaliw na ba ang asawa ko? Tanong mo sa isip mo. Mukha yatang kailangan mo nang magresearch tungkol sa mga mental hospital sa Korea. Para kasing dun na ang bagsak ni Sehun. Pero syempre hindi ikaw ang maghahatid sakanya dun. Baka kasi pag ikaw ang gumawa nun dalawa na kayong hindi makalabas dun. Baliw na baliw ka pa naman kay Sehun. Pero pwede rin. Basta magkasama kami. Mehehe.

Nang sa wakas ay nakarating na rin si Sehun sa lamesa nyo ay sabay na kayong kumain. Abala ka sa paglalagay ng maple syrup sa pancake mo nang biglang nagsalita si Sehun kaya napaangat ka ng tingin sakanya.

"Habang hinihintay natin sila, laro ulit tayo ng truth"

Matagal mo siyang tinitigan. Hindi ka makapaniwala sa narinig mo, si Sehun, inaaya ka maglaro, at hindi lang basta laro, truth pa! Ibig sabihin ba nyan gusto ka nyang makausap nahihiya lang siya??

"K-kung ayaw mo eh di wag" Biglang bumalik ang dati nyang ekspresyon sa mukha at ang malamig nyang tono kaya naman agad kang nakahuma sa kilig na nararamdaman mo.

Ang kj naman neto. Dinadamdam ko pa yung kilig eh.

"Sinabi ko bang ayaw ko oppa? Sige laro tayo, ikaw una" Malapad ang ngiting sabi mo sakanya. Malamig man ang tono nya hindi naman nagsisinungaling ang pagkapula ng tenga niya.

Ang truth ay isang larong natutunan mo nung High School. Tinuro ito sayo ng kaibigan mo nung wala kayong magawa dahil lahat ay abala sa clearance.

Simple lang naman ang larong ito, kahit ilan pwedeng sumali, magtatanong lang naman kayo ng kahit ano, lahat ng gusto mong malaman ,kahit personal pa, pero pwedeng magpass ang tinanong mo kung ayaw nyang sagutin ito.

OH SEHUN'S WIFEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora