Chapter Twenty Five

17.6K 729 104
                                    


"20 Ways to Make A Guy Smile?" Basa mo sa papel na binigay sayo ni Kris. Tiningnan mo naman siya ng may pagtataka.

Nasa practice room ka ng EXO at nagpapahinga sila. Pasimpleng lumapit sayo si Kris at binigay sayo yan. Nakaupo ka malapit sa malaking stereo habang si Kris naman ay nagkukunwaring sinusuri ang stereo.

"Anong gagawin ko dito?"

"Kainin mo. Kainin mo. Malamang gawin mo kay Sehun!" Pabulong na pasigaw na sabi nya. Baka kasi marinig siya ng iba at makita na naman kayo ni Sehun. Kung ano-ano na naman ang iisipin nun.

"H-huh? Bakit ko naman susundin to?" Binatukan ka naman nya nang makitang walang nakatingin sainyong dalawa.

"Aray!" Napalakas ata ang boses mo dahil lahat sila napatingin sayo.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Lay.

"Ahh oo. May malaking asungot lang kasing lumanding sa ulo ko Oppa"

"Asungot??" Nagtatakang tanong nya pero hindi na lang pinansin at nagpatuloy sa ginagawa nya.

"Syempre para mainlove siya sayo! Hindi lang dapat puro selos ang maramdaman nya, dapat pangitiin mo rin siya. Sabi nga nila madalas tayong mainlove sa taong madalas na nagpapangiti satin." Pagpapatuloy ng kapre sa tabi mo. May korning side din pala ang isang to, nagkukunwari lang maging cold.

"Oh tapos? Paano ko naman gagawin yun eh ayaw nga sakin nung tao?" Wika mo. Pasimple mong pinagmamasdan si Sehun at umiiwas ka agad ng tingin kapag nakikita ka nya. Nakita mong napatingin siya sayo tapos lumipat ang tingin sa tabi mo at biglang kumunot ang noo. Pasimpleng lumayo ka kay Kris pero hindi masyadong malayo para marinig mo pa rin ang sinasabi nya.

"Kaya nga binibigyan kita ng ways diba?" Sagot naman nya sayo. Para kayong mga secret agent na dumadamoves dahil sa kabaliwan nyo.

"Oo na, oo na, pagkatapos?" Biglang dumating si Baekhyun na may dalang mga soda at ipinatong ito sa stereo. Kumuha si Kris ng dalawa at iniabot sayo ang isa. Bigla kang kinilabutan nang maramdamang may nakatitig sayo. Hindi mo na kailangang lumingon para malaman kung sino ito.

Naku po. Patay na naman ako nito kay Sehun. Isip-isip mo. Pasikreto mo syang tiningnan at nakita mong nakasandal sya sa salamin habang nakatitig sa kamay ni Kris. Sinundan mo ang tingin nya at dun mo lang napansing hindi mo pa pala kinukuha ang soda.

"Hoy, ano ba! Nangangawit na ako dito. Kunin mo na kaya to" Inis na bulong ni Kris. Sinulyapan mo siya at pinandilatan. Inginuso mo si Sehun at naintindihan naman agad nya. Tumingin ka ulit kay Sehun at nagtama ang inyong paningin. Malamig lang ang ekspresyon nya at hindi mababakasan ng kahit anong emosyon. Napalunok ka ng ilang beses at nagkunwaring tinatanggihan ang alok ni Kris. Mabuti na lang at nakisakay rin sya sayo.

Nakahinga ka ng maluwag nang kinausap ni Tao si Sehun at inayang lumabas. Makakapag-usap na rin kayo ni Kris ng matino. Alam mong wala naman kayong ginagawang masama ni Kris pero syempre hindi mo naman kontrolado ang pag-iisip ni Sehun lalo na't hindi naman maganda ang impresyon nya sayo.

Sa ganda kong to, tinawag nya akong sasaeng?! Pagbibiro mo sa sarili mo. Isa pa, kung talagang nagseselos nga yang asawa mo, wala naman syang dapat na ipagselos. Lalo na kay Kris, siya kaya ang number one shipper nyo.

"Basta. Sundin mo lang muna yan" Sabi sayo ni Kris pagkalabas ni Sehun.

"Pano pag di effective?"

"Effective yan. Teka nga, kanina ka pa tanong ng tanong eh ikaw na nga ang tinutulungan ko"

"Hyung para kang tanga" Sabi bigla ni Chen at tiningnan sya ng masama ni Kris. Nakita mo namang nakangisi lang yung iba tapos si Luhan medyo natatawa.

"At bakit?" Ganting tanong nya.

"Masyado kang halata. Kung gusto mong makipagtsismisan sa asawa ni maknae, mag-isip ka naman ng magandang paraan. Pwede mo naman syang ichat sa line o kaya itext na lang. Hindi yung para kang pulis dyan na naghahanap ng ebidensyang alikabok sa stereo." Tatawa-tawang sabi ni Chen at natawa ka na rin dahil totoo ang sinabi niya.

"Pasalamat ka at to the rescue agad sayo si Tao bago ka pa sugurin ni Sehun-ah" Nakangisi namang sabi ni Suho.

Tumayo naman si Kris at binatukan sila isa-isa.

"Igalang nyo nga ako! Ako ang leader nyo!"

"Wow. Naalala mo nang ikaw ang leader namin hyung?" Pang-aasar ni Lay sakanya. Naalala mo tuloy ang episode ng EXOST na nakalimutan ni Kris na leader sya.

"Nahiya naman ako sa pagiging leader mo" Nakangising sabi ni Suho at napahagalpak ka ng tawa. May sasabihin pa sana si Kris nang biglang pumasok ang TaoHun kaya biglang tumahimik ang paligid at patay malisyang bumalik sa ginagawa nila.

"Follow your heart na nga lang" Natawa ka sa binulong ni Kris sayo at sasagot ka pa sana pero nagsabi na si Suho na tapos na raw ang break time nila kaya bumalik na ulit sila sa pwesto nila.

Tiningnan mo naman ang papel na hawak mo.

1.Tell him he's handsome or sexy

Huminga ka ng malalim at pinanood silang sumayaw. Sasakalin mo talaga si Kris pag hindi effective to.

"Go Sehun Oppa! Ang gwapo at ang sexy mo!" Pagch-cheer mo sakanya habang namumula. Nadistract naman ata sila sa ginawa mo dahil parang nakalimutan nila yung dance steps tapos tawa sila ng tawa.

"Si maknae oh, lumalovelife" Humahagalpak sa tawa na sabi ni Chen. Kulang na lang magpagulong-gulong siya sa sahig.

"Ang gwapo mo Sehun, pakiss nga!" Pang-aasar naman ni Xiumin sakanya.

Pulang-pula naman ang tenga ni Sehun. Tumalikod siya sayo pero hindi nakaligtas sa paningin mo ang maliit na ngiting naglalaro sakanyang labi.

Success!

--

Madaling araw na nang natapos ang practice nila Sehun. Wala nang masyadong tao ang pakalat-kalat sa labas kaya naman naisipan nyong maglakad na lang pauwi.

"Wag mong kalimutan yung ways ha" Bilin sayo ni Kris bago siya umalis kasama ni Tao at ng ibang EXO-M.

Kasama nyo kanina ang EXO-K pero naghiwalay na kayo sa substation kaya kayong dalawa na lang ni Sehun ang natitira.

Palihim na tiningnan mo ang papel na binigay sayo ni Kris para silipin ang next way.

2.Hold his hand at any moment and put it around your waist.

Napalunok ka bigla sa nabasa mo.

Paano kung bawiin nya lang yung kamay nya?

Paano kung mairita na naman siya at iwan ka bigla?

Ipinilig mo ang ulo mo at sinulyapan si Sehun na seryoso lang na nakatingin sa harap.

Bahala na nga!

Dahan-dahan mong kinuha ang kamay nya. Nanigas ang katawan nya pero hindi naman siya nagsalita kaya nakahinga ka ng maluwag.

Unti-unti mo itong pinulupot sa bewang mo at naramdaman mong bumilis ang paghinga nya pero hindi pa rin siya umiimik.

Hindi mo alam kung matutuwa ka o kakabahan. Ano kayang nasa isip nya?

Pero nawala lahat ng agam-agam mo nang hinigpitan nya ang pagkakahawak sayo. Patagong sinulyapan mo siya at nakita mong umangat ang gilid ng labi nya habang pinipigilang mapangiti.

Step 2: Completed. Operation: Success.

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now