Chapter Twenty Two

16.2K 595 140
                                    

Note:

First of all, I'm very sorry for the late update. Alam kong maraming nag-aabang pero wala po kasi kaming wifi kahapon at may whole day immersion din po kami so I was busy the whole day. Mianhae chingus.

Nwei, how I wish this would happen. LOL. Asa. Flashback ulit tayo guyth.

Dedicated to The26thprince, thank you for the support!

Don't forget to vote and comment chingus! Kamsa~

-Jihwanxxi

--

Halos magkandaugaga ka na sa pagtapos ng mga kailangan mong tapusin sa eskwelahan para lang makanood ng MAMA. Dali-dali mong binuksan ang tv at sakto naman ito sa pagdating ng EXO sa red carpet. Kanina pa sila nakaalis at may kinailangan ka pang tapusin kaya hindi ka na nakasama sa kanila at nagpaiwan na lang sa dorm nila. Saka baka magtaka ang mga fans pag nakitang may babae silang kasama. Hindi pa nga kayo kasal ni Sehun mababash ka na agad. Pano pa kaya kapag asawa ka na nya?

"Ang boring ng Red Carpet!" Bagot na sabi mo. Hindi mo naman kasi kilala lahat ng dumadating at tsaka wala kang kasama manood hindi tulad nung isang taon na nakipag sleep-over kayo ng mga kaibigan mo at sabay-sabay na nanood nito. Ang ingay-ingay nyo pa nga noon at mangiyak-ngiyak na rin nung nanalo ang EXO.

Namimiss mo na naman sila. Hindi kasi sila nakasama sa Korea dahil busy sila. Siguro kung nakasama mo sila masayang-masaya na rin sila ngayon dahil nakita rin nila ang EXO. Di bale, may susunod pa naman.

Buong palabas ay hindi ka umalis na kinauupuan mo. Tumatayo ka lang para kumuha ng pagkain o para umihi pero ang tingin mo ay hindi umaalis sa tv. Kung kinakailangan mo naman talaga ay sinisigurado mong commercial pa at para kang kasali sa minute to win it dahil sa pagmamadali.

Sinasabayan mo ang mga nagpeperform at tumitili ka kapag nagkacameo ang EXO pero disappointed ka pa rin sa buhok ni Sehun na mukhang binagyo.

Pag finofocus naman siya sa camera ay pokerfaced pa rin siya hindi tulad ni Chanyeol na labas lahat ng ngipin sa kakangiti.

Marami silang napanalunang awards at mas lalo kang naging proud sa kanila.

Pagkatapos nilang magperform ay pinalabas ang teaser para sa comeback nila.

Lumakas ang tibok ng puso mo nang makita ang Overdose maze at ang labindalawang holen dito. Nakalabas ang sampu pero may dalawang natira sa loob.

Hindi kaya KrisHan ang sinisimbolo nito??

Pinagmasdan mo ulit ang mga detalye nito at may pinalabas ditong Rubik's cube at lapis.

Teka.. Rubik's cube?

Diba si Luhan ang kilalang EXO member na magaling dito?

At lapis? Si Kris lang naman ang nag-iisang Kriscasso ng EXO..

At talagang sabay pa ang mediation ng dalawa,

Ayaw mo namang umasa pero..

Hindi kaya??

--

Alas dose na nang madaling araw pero nakaharap ka pa rin sa screen ng laptop mo. Ngayon kasi ang comeback ng EXO.

Alas dose ulit ipopost ng SM ang Offcial MV kaya naman kanina ka pa naghihintay. Nasa SMEnt pa rin ngayon ang EXO kaya naman ikaw lang mag-isa. Mabuti nga yun para di nakakahiyang tumili at magfangirl.

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now