Chapter Forty Three

14K 518 206
                                    

Note:

Hell week is over. I'm baaack! Thank you sa mga naghintay! Update ulit bukas. Vote and comment chingus~

-Jihwanxxi

--

Tulad ng inaasahan mo ay bumalik na naman kayo sa dati ni Sehun. Para na naman kayong mga estrangherong hindi nagpapansinan.

Maagang umalis si Sehun ngayon dahil sa pag guest nila ulit sa Sukira Radio. Papunta ka na sana sa kusina para ipaghanda ng pananghalian si Sehun nang bigla kang matigilan.

Bakit ko pa gagawin yun eh pinapakain naman sila ni Kyungsoo. Sabi mo sa sarili mo.

Isa pa, baka hindi naman nya kinakain yun.

Ngayon mo lang rin napagtantong puro Filipino food ang niluluto mo para sakanya. Baka hindi naman pala yun nagugustuhan at tinatapon nya lang o kaya binibigay sa iba.

Iniisip mo pa lang na hindi nya pinapahalagahan ang mga pinaghirapan mo ay kumikirot na ang puso mo. Ngumiti ka ng mapait at nilisan ang kusina. Napagpasyahan mong hindi ka na magdadala ng pagkain para kay Sehun.

Hindi naman siguro nya mapapansin na hindi ako pupunta ngayon.

-

SEHUN

"Maknae, hindi ka pa ba kakain?" Tanong sakin ni Suho hyung. Umiling ako.

"Hindi pa ako nagugutom hyung" Pagsisinungaling ko. Sa totoo lang kanina pa ako nagugutom pero hinihintay kong dumating ang asawa ko.

"Kakain na kami Sehuniee, di ka pa sasabay?" Pagtatanong naman ni Jongdae hyung.

"Mauna na kayo hyung. Ayos lang ako dito."

"Gusto mo bang tawagan namin ang asawa mo? Baka nakalimutan nya lang o baka busy" Pag-aalok naman sakin ni Luhan hyung pero tumanggi ako. Busy? Saan naman sya busy? Sa ibang idol? Psh.

Hindi. Hindi naman siguro nya ako kinalimutan. Baka late lang sya. Pag-aalo ko sa sarili ko pero kanina pa ako kating-kati na umuwi ng bahay at alamin kung anong pinaggagawa ng magaling kong asawa. Dapat kanina pa sya nandito eh.

"Sigurado ka bang hindi ka samin sasama?" Tanong naman ni Kris hyung sakin.

"Hindi na nga po hyung. Ayos lang talaga ako dito. Dalhan nyo na lang ako ng Bubble tea"

"Ikaw bahala" Sagot naman nya at tuluyan na nilang nilisan ang dressing room.

"Sehun" Nagulat ako nang makita ko si Chanyeol hyung sa tabi ko.

"Chanyeol hyung? Akala ko ba umalis na kayo?" Nagtatakang tanong ko. Ang buong akala ko ay kasama nyang umalis sina hyung.

"Sehun, magsabi ka sakin ng totoo" Seryoso ang mukha nya kaya medyo kinabahan ako. Minsan lang kasi magseryoso si Chanyeol hyung kaya nakakagulat talaga kapag nagseseryoso na sya.

"Tungkol saan hyung?"

"Mahal mo ba ang asawa mo?" Nagulat ako sa tanong nya. I was caught off guard. Hindi ko inaasahang yan ang itatanong nya.

Nag-iwas ako ng tingin at pinaglaruan ang sintas ng sapatos ko.

"Sa totoo lang hyung, hindi ko alam. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa ngayon" Buong katapatan kong sagot.

Masyado pa akong naguguluhan sa nararamdaman ko at hindi pa ako sigurado kung ano to pero isa lang ang sigurado ko, espesyal sya sa buhay ko.

"Sige iibahin ko na lang ang tanong ko, kaya mo bang mawala sya sa buhay mo?" At sa ikalawang beses ay natameme ako. Ano bang nangyayari kay Chanyeol hyung at ganyan kung makatanong?

OH SEHUN'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon